Isang personalidad, madaling-araw na, naghahanap pa ng sanglaan!

KINSA SIYA? SINO itong personalidad na ito na napansin ng aming spy na nagtatanong raw kung saan may bukas na sanglaan sa isang lugar sa QC kahit medaling-araw na?

Tsika pa niya sa amin, “Ateng, naloka ako, kasi pumarada ‘yung kotse niya sa harapan namin at nagtanong, may bukas bang sanglaan dito? Ang ikinaloka namin, medaling-araw na Ateng, at ‘di ba kilala sa ganu’ng kalakaran ‘yung personalidad na ‘yun.”

Ang sa amin naman, hindi naman masamang magsangla, pero ang nakakaloka, alanganing oras ito. Hay naku, ‘di pa rin talaga pala nagbago ang taong ito. Wala pong clue. Ayoko!

(By Arniel Serato)