Isabelle de Leon, hirap maging malandi

ADVERTISING

Isabelle de Leon, hirap maging malandi

Isabelle-de-LeonNAKAAALIW AT nakababaliw ang Wattpad Presents Diary ng Hindi Malandi (Slight Lang!), kung saan kikay na kikay at super landi ang role ni Isabelle De Leon. Lahat ay ginawa niya pati ang pagpapakita ng panty sa kanyang dream Prince charming na si Ken Anderson. ‘Yun lang, ang siste, tamad maligo ang bida kahit na super ganda siya. Hindi tuloy ma-sight ang ganda niya dahil natatakpan ng hindi kagandahang amoy niya, ‘noh!

Super nakakatawa ang story at ang galing-galing ni Isabelle bilang si Pipay. Hindi mo aakalaing ang dating child actress na pinuri ang pagganap sa Magnifico ay “malandi” na ang role.

“Sa totoo lang po, nahirapan po ako pero sinunod ko na lang kung ano ang nasa script, ‘yung character ni Pipay. Mahirap pong maging malandi, ” tawang tsika pa ni Isabelle sa isang panayam sa kanya.

Super-crush niya sina Bamboo at Daniel Matsunaga pero dahil shy-type siya, hindi siya nakalapit nang makita ang dalawa sa magkaibang event.

ADVERTISING

Kasama rin sa Diary Ng Hindi Malandi si Edgar Allan Guzman at mapapanood sa TV5, weekdays, 9:30 pm.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING