Isabelle Daza, umiiyak na umalis sa Eat Bulaga

Isabelle Daza, umiiyak na umalis sa Eat Bulaga

Isabelle-DazaNAGKUWENTO RIN doon sa amin sa Startalk si Joey de Leon na umalis daw siya sa studio ng Eat Bulaga nu’ng nakaraang Sabado na umiiyak pa raw si Isabelle Daza.

Nagpaalam na kasi siya sa mga Dabarkads niya sa Bulaga dahil lilipat na ito ng ABS-CBN 2.

Noon pa man ay napabalita na ang paglipat ni Isabelle pero wala pang may nagkumpirma.

Marami raw ang pumipigil kay Isabelle, pero hindi pa raw ito nakapag-decide.

Ewan ko lang, ha? Kasi nu’ng pumutok ang balitang ‘yan, nabalitaan ko nang kasali si Isabelle sa bagong drama series ng Kapamilya Network na Nathaniel. ‘Yung winner sa The Voice Kids na si Lyca Gairanod ang bida kasama yata sina Gerald Anderson at Shaina Magdayao.

Kaya matagal na ‘yang napagdesisyunan. Naghihintay lang siguro si Isabelle ng tamang oras na magpaalam.

Mahal naman si Isabelle ng mga taga-Bulaga dahil mabait naman daw ang batang ito.

Kahit nga si Ryzza Mae Dizon, nalulungkot dahil parang teacher-teacher daw niya ‘yan du’n sa Bulaga.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis