Isabelle Daza, proud irampa ang French boyfriend

ADVERTISING

Isabelle Daza, proud irampa ang French boyfriend

Isabelle-Daza-Adrien-SemblatKUNG SI Solenn Heusaff ay ipinakita ang boyfriend sa pamamagitan ng mga larawan magkasama sila sa Instagram, kay Isabelle Daza naman ay ipinakita niya on national telebisyon ang hitsura ng French boyfriend na si Adrien Semblat.

Nag-trending nga sa Twitter noong ipakilala sa Eat Bulaga at umupong judge para Super Sireyna Worldwide last July ang kanyang French boyfriend.

Ayon kay Isabelle nang makausap namin sa isang resto sa Tomas Morato, isang brand executive at member ng United Football League si Adrian at mahigit apat na taon na silang mag-on.

“Actually, ginulat ko siya five minutes before the contest started. Nagpasama ako sa kanya sa Eat Bulaga at wala siyang alam na he will sit as one of the judges. Nagulat siya. He has no choice naman at hindi na siya maka-backout.

ADVERTISING

“Then I told him that he will be seen nationwide so he has to look good. But I also want him to be himself. Kung paano siya magsalita at kumilos.”

Naging masaya naman daw siya sa kinalabasan dahil naging comfortable kaagad ang kanyang French boyfriend na nag-trending pa sa Twitter.

When ask kung may balak na rin sila magpakasal? Kaagad na sagot ni Isabelle ay wala pa raw sa sila sa level na ‘yun at ini-enjoy lang daw nila ang kanilang relasyon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING