Isabelle Daza, naging tulay para kina Liz Uy at Raymond Racaza

ADVERTISING

TRENDING ngayong araw na ito ang pangalan nina Celebrity Stylist Liz Uy at Kapamilya actress/model na si Isabelle Daza.

Happy and proud na inanunsyo ni Liz Uy sa kanyang Instagram account ang kanyang engagement sa business boyfriend niya na si Raymond Racaza.

ADVERTISING

“In all lifetimes, always a yes πŸ’” ang simple pero malaman na caption ni Liz sa kanyang post. Ito ay agad naman na ni-like ng kanyang mga celebrity friends tulad nina Vice Ganda, Solenn Heussaff, Maja Salvador, Alex Gonzaga, Iza Calzado at marami pang iba.

Isabelle Daza, naging tulay para kina Liz Uy at Raymond Racaza
Liz Uy and Isabelle Daza

Standout naman ang comment ng kaibigan at kapwa ‘IT Girl’ na si Isabelle Daza: “Love you, you deserve it.”

Sinagot naman ito ng newly-engaged stylist na “I love you!!!! You’re the best cupid!”.

ADVERTISING

Iba-iba ang reaksyon ng mga netizens sa rebelasyong ito. Sa isang interview noon sa isang dyaryo ay kinumpirma mismo ni Liz Uy na si Isabelle Daza ang nagpakilala sa kanya kay Raymond Racaza noong May 2016. In short, siya ang naging tulay para magkakilala silang dalawa.

Noong February 5, 2017 ay nalaman ni Liz na siya ay nagdadalang-tao. Noong 2018 ay ipinakilala na niya sa publiko ang kanyang Baby Boy kay Raymond na si Xavi.

Congratulations Liz and Raymond! May your marriage last forever!

ADVERTISING