Isabelle Daza, inaming nagkasama sila ni Matteo Guidicelli sa New York

ADVERTISING

Isabelle Daza, inaming nagkasama sila ni Matteo Guidicelli sa New York

Isabelle-DazaPRANGKA AT walang kiyeme kung sumagot si Isabelle Daza kapag may tinatanong sa kanya ang press. Walang pakialam kung personal or magiging isyu sa kanya.

Tulad nang itanong sa kanya ang kissing scene nila ni Matteo Guidicelli sa Somebody To Love na sabi ay daring daw ang nangyaring halikan nila ng actor na boyfriend ngayon ni Sarah Geronimo.

“Daring as in? Hindi naman po. Medyo matagal lang ang mga eksena dahil kumportable na kasi kami sa isa’t isa ni Matteo. Matagal na kaming magkaibigan. Hindi pa siya artista ay nagkakasama na kami.

“Actually, friend siya ng sister ko. Nagkasama nga kami sa New York noon at close siya sa pamilya namin. Parang pamilya na rin siya sa amin,” say ni Isabelle na mas lalong gumanda ngayon at sumeksi.

ADVERTISING

Maging si Solenn Heusaff din pala ay close din sa kanya at sa kanilang pamilya. Akala kasi ng iba ay ngayon lang sila naging close ni Solenn.

“Close na noon pa ang parents namin ni Solenn. Si Mama (Gloria Diaz) ay laging kasa-kasama noon ang mama ni Solenn at maging ang papa namin ay super close din sa isa’t isa. Matagal na kaming magkaibigan ni Solenn. Kaya nang magsama kami sa isang show ay kuwela at parang naglalaro lang kami,” say pa ni Isabelle.

Dahil sa dami ng project ni Isabelle, dedma siya sa intriga kung mayroon man. Basta ang nasa isip niya ay gawin ang mga nakatokang project.

Three years na siya sa Eat Bulaga. Laging nga raw pinapanood siya ng kanyang mama at pinupuri kapag maganda ang ginawa at pinapayuhan kapag may maling nagawa.

“Sabi ni mama, masuwerte raw ako dahil laging naka-close-up ang mga kuha ko sa Eat Bulaga. Mabait daw sa akin ang director kaya dapat daw ay bigyan ko ng regalo, mga ganyan comment,” nakatawang pahayag pa ni Isabelle.

When ask about her lovelife. May boyfriend na raw siya at super tagal na raw nila ng non-showbiz guy na ang first name ay Adrian.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING