Isabelle Daza, ikakasal na kay Adrian Semblat sa Sabado sa Italy

ADVERTISING

Isabelle Daza, ikakasal na kay Adrian Semblat sa Sabado sa Italy

Isabelle Daza & Adrien Semblat
Isabelle Daza & Adrien Semblat
Isabelle Daza & Adrien Semblat
Isabelle Daza & Adrien Semblat

Sa Saturday, September 10, na ang kasal ni Isabelle Daza at ng kanyang boyfie for six years na si Adrien Semblat.

Ang very exclusive wedding ng dalawa ay gaganapin sa Tuscany, Italy na isa sa mga picturesque location sa Italy with its rolling hills of vineyards and sunflowers.

Bago maging misis ni Adrien si Belle, tinapos muna niya ang kanyang commitment bilang isang artista sa katatapos lang na afternoon serye ng Kapamilya Network na Tubig at Langis.

Ayon sa isang panayam bago magtungo ang aktres sa kanilang pre-wedding vacay, kaya sa Italy ang gusto ng aktres maganap ang kanyang kasal ay dahil paborito niya ang Italian food na malamang ay ito rin ang ang ise-serve sa reception pagkatapos ng kasalan.

ADVERTISING

Last February, hiningi na ni Adrien ang kamay ni Belle para pakasalan ito.

Sa kasalukuyan, nakabaskayon ang dalawa sa resort town ng Liguria.

Maaga pa lang, ang high school besties ni Isabelle ay nandu’n na sa Italy na dadalo sa kasal ng dalawa sa Sabado.

As of presstime, hindi pa namin alam kung babalik agad after their honeymoon sa pag-arte si Isabelle, lalo pa’t isa siya sa mga magagaling na aktres natin sa kasalukuyan or baka i-enjoy muna niya ang pagiging misis ni Adrien at magbubuo muna sila ng pamilya.

Congratulations and best wishes kina Isabelle at Adrien!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING