Isabelle Daza, dahilan ng pagtatapos ng serye

ADVERTISING

Isabelle Daza, dahilan ng pagtatapos ng serye

Isabelle Daza,
Isabelle Daza

Kahi’t na nga nagtala ng record bilang pinakamataas na ratings sa kanyang time slot at consistent sa pagiging top rating soap ng Kapamilya Network ang “Tubig at Langis” na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Zanjoe Marudo, at Isabelle Daza,  inanunsiyo ng ABS-CBN Business Unit Head na si Ruel Bayani na apat na linggo na lang ay mamaalam na sa ere ang serye. At ito ay may kinalaman sa nalalapit na pagpapakasal ni Isabelle Daza.

ADVERTISING

Ayon nga kay Direk Ruel sa ginanap na thanksgiving presscon, “All in all, ang akala namin, baka hindi pa makaabot ng 13 weeks ang “Tubig at Langis” and we end in 32 weeks. Sa totoo lang, ang gusto ng management, patagalin pa. Pero we decided to, I will be honest, Isabelle is getting married, and of course, we wanted to give Belle ‘yung time na hindi siya mapi-pressure.

“Kaya ‘yung istorya rin, nag-abut-abot na, pineak na namin. Hindi na namin dinelay, that’s why nag-reflect sa ratings, kasi hindi na namin ini-stretch, talagang pinaputok na namin.

“Ayokong i-deny ‘yon. Malaking factor si Belle. We love Belle so much. Ang feeling ko, ibigay na natin. Ibigay na natin, ikakasal siya, magha-honeymoon siya. Let her enjoy her new life.”

ADVERTISING

Umaasa pa rin daw si Direk Ruel na hindi nagtatapos sa “Tubig at Langis” ang pagsasamahan nila ng mga artistang kasama sa serye, dahil puwede pa rin naman silang magsama sa iba pang proyekto na kanilang gagawin.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING