Isabelle Daza, bida sa horror movie

ADVERTISING

Isabelle Daza, bida sa horror movie

Isabelle-DazaPAGKATAPOS MAGING visible ni Isabelle Daza sa Nathaniel, ang kauna-unahang teleserye niya sa ABS-CBN mula nu’ng lumipat siya sa network which will end in two weeks time, mapanonood naman ang beauty niya sa pelikulang Resureksyon ng Regal Films and Reality Entertainment on Sept. 23.

ADVERTISING

Biggest break ito for Isabelle dahil sa kanya iikot ang istorya ng suspense-horror film na si Borgy Torre ang director. Isang OFW ang role dito ni Isabelle, pero nu’ng bumalik siya ng Pinas ay nasa loob na siya ng kabaong. Kung paano siya naging vampire, panoorin n’yo na lang.

Bago tinanggap ni Belle ang project, katakut-takot na interrogation muna ang dinanas ni Direk Borgy. Pero ayaw nang sabihin ni Isabelle ang mga tinanong niya dahil wala na raw magiging suspense sa movie once ikinuwento niya ito.

“When I read the script, may mga questions ako that need to be answered. True enough, nasagot naman ni Direk Borgs,” pahayag ni Isabelle.

ADVERTISING

Samantala, after Nathaniel, meron na ba siyang kasunod na project sa ABS-CBN?

“I’m happy with Nathaniel now, I’m very challenge. I don’t expect them to give me everything right away. Siyempre, kailangan ko pa ring i-prove ang sarili ko and ‘yung kakayanan ko. And I’m very happy naman with ABS-CBN,” sabi pa niya.

Kasama ni Isabelle sa Resureksyon sina Paulo Avelino, Jasmine Curtis Smith, Alex Castro, at John Lapus.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING