Isabelle Daza, ayaw mag-guest sa It’s Showtime

Isabelle Daza, ayaw mag-guest sa It’s Showtime

Isabelle-DazaHINDI NAMAN ikinaila ni Isabelle Daza na ang ginawa niyang paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA 7 ay siya raw pinakamalaking desisyon na ginawa niya sa tanang buhay. Inamin din niya na malaking factor din ang ina niyang si Gloria Diaz sa ginawang paglipat dahil isa raw ito sa kumunbinsi sa kanya para tuluyang tanggapin ang offer ng Dos.

Inakala raw ni Isabelle na nakatatakot sa ABS-CBN at ang mga artista raw na babae rito ay parating may competition. Pero laking gulat niya dahil ang inalala niya ay napalitan ng kasiyahan dahil welcome na welcome siya at handang tulungan na mga Kapamilya stars, tulad ng makakasama niya sa Nathaniel na sina Shaina Magdayao at Gerald Anderson.

Maging si Paulo Avelino raw na kasama niya sa kuwadra ni Leo Dominquez ay nagbibigay sa kanya ng advice.

Ngayon nasa ABS-CBN na si Isabelle. Payag ba siyang mag-guest sa It’s Showtime na alam naman ng lahat ay katapat ng Eat Bulaga, kung saan naging isa siya sa mga host ng show na napapanood sa GMA 7?

“I think, ano, I don’t feel the need to guest in Showtime. Kasi siyempre, I’m from Eat Bulaga, I was a host. I also wanna give respect to them.”

When asked kung kailan siya puwede nang mag-guest sa katapat ng Eat Bulaga?

“Ah, I don’t know, until I feel that it’s time. Pero now kasi, it’s delicadeza rin. I don’t wanna be in Showtime when my Eat Bulaga family means so much to me and they will be for a long time and alam nila ‘yun, I think.

“I think, it’s mutual respect. I don’t think naman ABS-CBN is gonna force me to do something that I don’t feel comfortable doing,” pahayag ni Isabelle.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo