Isabel Rivas, aligaga sa kasal ng anak kay Nadine Samonte

ADVERTISING

Isabel Rivas, aligaga sa kasal ng anak kay Nadine Samonte

Nadine-Samonte-Isabel-RivasGILIW NA giliw si Isabel Rivas kay Nadine Samonte dahil boto ito para maging asawa ng kanyang one and only son na si Richard Chua. Kahit ilang months lang magkarelasyon ang dalawa, agad-agad nag-propose ito ng marriage sa dalaga. Hindi na nagpakipot pa si Nadine, palibhasa mahal niya ito, tinanggap agad nito ang alok ng binata.

Sobrang excited ngayon si Isabel sa nalalapit na pagpapakasal nina Nadine at Richard. Feeling raw niya, parang siya ang ikakasal, aligaga sa paghahanda kung saan at kung kailan magaganap ang kasalan. All out support ang ibinibigay ng buong pamilya ni Isabel kay Nadine. Pati ang gagawa ng wedding gown (Paul Cabral) ng actress ay kinausap na ng mommy ni Richard.

Masasabing wedding of the year ang kasalang Nadine Samonte at Richard Chua. Walang limit daw ang gagastusin sa kasal, tsika ng proud mother na si Isabel. Siyempre, overwhelm ang dalaga sa ipinakikitang support ng kanyang soon to be mother-in-law.

“Siyempre, iba ang feeling kapag ang anak mo na ang ikakasal. Minsan lang ito mangyayari sa buhay nila. Gusto ko na rin namang magka-apo para may bago akong aalagaan. I don’t mind maging lola, ganu’n naman talaga. Isa lang naman ang anak ko, kaya’t gawin nating memorable ang kanilang wedding,” say ni Isabel.

ADVERTISING

Wala pa nga raw petsa at kung saang simbahan ikakasal sina Nadine at Richard. May listahan na si Isabel kung sinu-sino ang kukunin na maging ninong at ninang. Pati nga mga iimbitahin ay inumpisahan na niyang ilista sa sobrang excited. Ganito pala ang feeling kapag ikakasal na ang anak mo, hindi ka makatulog. Marami kang naiisip na gusto mong gawin sa wedding. Nakaka-tense, nakaka-thrill, it’s hard to explain but I’m very much happy for both of them,” kuwento ni Isabel.

Inamin ni Isabel nakailang girlfriend na rin si Richard pero kakaiba raw ang naramdaman ng anak niya nang makilala nito si Nadine. Nagpaalam sa kanya ang binata na gusto nitong maging kabiyak ang actress. Ibinigay raw agad niya ang blessing sa anak at ikinatuwa ni Isabel nang tanggapin nito ang marriage proposal.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING