Isabel Oli, nakipag-break na kay Gab Valenciano!

ADVERTISING

Isabel Oli, nakipag-break na kay Gab Valenciano!

Isabel Oli, nakipag-break na kay Gab Valenciano!MAS LALONG tahimik ngayon si Pauleen Luna pagkatapos magsalita ni Oyo Boy Sotto na hindi siya boto sa
pakikipagrelasyon nito kay Vic Sotto.

Mas bata pa siya kasi kay Pauleen kaya sobrang bata naman daw nito para sa kanyang ama. Siyempre maingat pa rin siya sa mga sinasabi niya, pero obvious naman tutol sila sa pagtitinginan ng dalawa.

Eh, may magagawa ba tayo? Kahit nga ng Mommy ni Pauleen ayaw na ring pakialaman’ yan dahil nasa tamang edad na raw ang anak niya at nakakapagpasiya na ito ng kung ano ang tingin nitong tama para sa kanya.

Wala pa namang sinasabi ang dalawa kung ano na talaga sila, pero parang ganu’n na nga siguro. Hayaan na lang natin, kung ‘yun ang nakapagpapasaya sa kanila, wala na tayong magagawa.

ADVERTISING

Kaya ayaw na talagang magsalita ni Pauleen dahil ang dami pang naglalabasan kung anu-anong intriga. Pati ang pag-resign ni Saida Diola sa Eat Bulaga nadamay pa siya.

Meron pang naglabas ng kuwentong sinugod daw nito si Saida. Sabi na lang ni Pauleen, isang malaking ka-cheapan kaya ayaw na niyang sagutin.

Pati nga si Niña Jose na sinasabing parang nanliligaw sa kanya si Vic ay ayaw na ring patulan pa ni Pauleen.

Kasi kung magsalita pa nga siya, baka lalong makalkal pa ang tungkol sa kanila ni Bossing Vic kaya quiet na lang talaga siya.

 

ABANGAN N’YO pala sa Startalk ang interview namin kay Isabel Oli na kinumpirmang break na nga sila ni Gab Valenciano.

Isabel Oli, nakipag-break na kay Gab Valenciano!

Apat na buwan lang pala ang relasyon nila, pero aminado si Isabel na nasaktan siya kasi parang may third party involved yata. Kahit sinasabi niyang walang third party, mukhang nagpapa-safe lang ito dahil ayaw na lang siguro niyang mandamay ng ibang tao.

Pero marami na pala ang nakaalam tungkol kina Gab at Coleen Garcia dahil madalas naman silang nakikitang magkasama.

Nu’ng kamakalawa ng gabi lang nakita rin silang magkasama na nanood sa PBA kasama raw si Cheska Garcia-Kramer kaya mukhang may something na siguro ang dalawa.

Si Isabel naman ay naintriga uli kay James Yap dahil sa napapag-usapan na ang annulment nila ni Kris Aquino na na-grant na raw ito ng korte. Pero consistent talaga sa pagtatanggi si Isabel dahil talagang magkaibigan lang daw sila.

Ang sabi nga ni Isabel sa Startalk, ayaw na raw muna niyang ma-involve sa ngayon dahil sobrang napagod na raw ang puso niya. Focus na raw muna siya sa pamilya niya at sa trabaho.

Nag-renew pala ng kontrata si Isabel sa GMA-7, pero hindi sa Artist Center dahil under na ito sa Viva Artists Management at kay Becky Aguila.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING