Isabel Oli, ‘di naniwalang welcome si Lian Paz sa pamilya ni Paolo Contis – Ronnie Carrasco

Isabel Oli, ‘di naniwalang welcome si Lian Paz sa pamilya ni Paolo Contis - Ronnie Carrasco

Isabel Oli, ‘di naniwalang welcome si Lian Paz sa pamilya ni Paolo Contis - Ronnie CarrascoKUNG HINDI AKO nagkakamali, the last mainstay to have left Bubble Gang – for an unexplained reason – was Diana Zubiri. Hindi kasi naging kumpleto ang first of two parts ng anniversary special ng naturang gag show na umere nitong Biyernes dahil wala man lang interbyu kay Diana, to think na ang ilan sa mga orihinal na cast members nitong sina Aiko Melendez at Assunta de Rossi shared their unforgettable memories.

Hindi nga ba’t basta na lang nawala si Diana sa programa lika a literal bubble that burst and vanished into thin air?

Tandang-tanda ko pa ang Boracay feature ng Startalk several months ago, kabilang sa mga naispatan doon ay si Diana with her gorgeous non-showbiz boyfriend, only to return to Manila several weeks later with a career na kasamang inanod ng dagat.

[ad#post-ad-box]

GUSTO KONG PANIWALAAN NA base sa mga halleluiah ng kanyang mga bida ay lampas pa sa inaasahang husay sa pagdidirihe ang ipinamalas ni Yam Laranas sa pelikulang Patient X na huhusgahan bukas.

Puring-puri kasi nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes ang Rated 13 na Halloween offering na ito, exceeding their expectations of a world-renowned  director. Ows?

Sa ngayon, benefit of the doubt muna ang ibibigay ko until I see the film and get frightened by it. Baka nga totoo ‘yung ipinagmamalaki ng Rgutz Productions that Patient X is the scariest, most hair-raising local movie ever made.

ANY OF THE three options daw ang advice ng kanyang OB-gyne para malunasan ang disorder ni Lian Paz na may kaugnayan sa kanyang pagkababae: one of these, to get pregnant.

Kung matatandaan, naging palaisipan for a while ang frequent absences ng naturang miyembro ng EB Babes sa Eat…Bulaga! attributing her no-shows to her serious health conditions. As if perfect time was on her side, nagkataong nobya ni Lian si Paolo Contis who also had to struggle with a family problem.

Sa ngayon, lantad na ang pagbubuntis ni Lian by Paolo, bagay na tanggap na rin daw ng pamilya ng aktor which was very much against the EB Babe at the onset.

Pero kung ang ex-girlfriend ni Paolo na si Isabel Oli ang tatanungin, she believes otherwise. Hindi raw totoong winelkam ng pamilya ni Contis si Lian, but this is not to say that Paolo’s kith and kin are still for Isabel.

Kung aanalisahin ang tinurang iyon ni Isabel  patungkol sa estado ni Lian sa kanyang future in-laws, maihahalintulad siya sa ampalaya.

Bukod kasi sa pagiging kontra-diabetic  sweetness si Isabel kina Paolo at Lian, bitter pa siya.

Si Isabel at ang ampalaya….bow!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III