Isabel Granada’s death spreading in text messages

ADVERTISING

Isabel Granada’s death spreading in text messages

Isabel Granada’s death spreading in text messages OLA CHIKKA NOW na! Oh no, oh yes! Nakakaloka naman ang mga isyu ngayon. Hindi ko talaga kinakaya ang mga eksena sa kung ano ang nangyayari sa mga artista na ito. Kung kailan mahal na araw, kung anu-ano na ang mga eksenang nangyayari nitong nakaraang Linggo.

ADVERTISING

Nakikiramay ako sa pagkamatay ni AJ Perez na namatay dahil sa car accident, kasama ang kanyang daddy, sa bandang Tarlac. At siya lang ang nagkataong dead-on-arrival. Nakakaawa naman. Napakagaling pa naman nitong bagets na ‘to.

Noong nakaraang taon, si Marky Cielo naman ang namatay. Bakit kaya taon-taon, nangyayari ito sa mga bagets na ‘to, at hindi ko talaga kinakaya.

Kung kailan pa naman sumisikat itong si AJ… nagkataon pang magma-Mahal na Araw.

ADVERTISING

At heto pa ang nakalulungkot na balita tungkol kay Pilar Pilapil, na balitang nasaksak nga ito at naganap ang insidente sa may Antipolo. Nakaligtas naman ito, kaya hindi totoo ang balitang patay na siya, ayan ha?

May mga balita din tungkol kay Beth Tamayo na siya ‘yung isa sa 3 Pilipino na binitay sa China. At kay Isabel Granada, may kumakalat ding text na siya ay dead na rin daw. Buti na lang, nagparamdam na ang dalawang actress na sila ay buhay pa at alive and kicking pa.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong TV host-actress na talaga namang wala nang aura, at pati ang pelikula nila ng kanyang jowa ay hindi nag-click?

Kasi naman, wala talagang nararamdamang kilig factor ang mga fans, at talaga namang may atittude problem itong TV host-actress na ito.

Kaya kung ako sa inyo, magpapakatotoo ako sa mga nararamdaman ko, kung gusto kong mag-click ang pelikula. Hahaha! Badjao!

Bawal akong maloka sa Earth, kasi naman magma-Mahal na Araw na… at Lunes na Lunes, huh! Hmmm…

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING