Isabel and Jennica, bullying Nadine Samonte?

ADVERTISING

Isabel and Jennica, bullying Nadine Samonte?

NAHIHIYA KAMI KAY Nadine Samonte dahil siya ang pinaghihinalaan nina Isabel Oli at Jennica Garcia na source sa nasulat naming pagsunod ni Wesley Gonzales sa kanila sa Boracay a few weeks ago. Ang actress lang daw ang may kakayahang magkuwento sa amin dahil siya lang ang kilala namin sa kanilang tatlo.

Nagulat sina Isabel at Jennica dahil detalyado ang pagkakasulat namin, at pati oras at pagbalik ng Manila ni Wesley, nalaman namin. Hindi alam ng dalawa na maraming sources ang press people at hindi kailangang manggaling sa kanila ang isinusulat ng press.

Saka, ang alam namin, nag-deny si Wesley kay Ambet Nabus sa radio show nito sa DZMM na pumunta siya sa Boracay para bisitahin si Isabel. Never daw siyang sumunod, ‘di rin siya nanliligaw kay Isabel dahil may girlfriend siya. Kung ganu’n, bakit ginagawang big deal nina Isabel at Jennica ang tungkol dito?

Nililinaw naming hindi si Nadine ang source sa nasabing balita, magkakilala nga kami, pero hindi kami close at ‘di kami textmate. Nauna pa kaming nagkaroon ng contact number ni Jennica, kesa kay Nadine, pero na matagal na rin naming hindi tini-text.

ADVERTISING

Nahihiya kami kay Nadine dahil dine-deadma na siya nina Isabel at Jennica sa paniwalang ikinuwento nito ang happening nila sa Boracay. Nasasaktan si Nadine sa nangyari dahil wala siyang kasalanan at itinuring niyang kaibigan ang dalawa. Ayaw lang nitong makipag-away, kaya hinahayaan na lang na magbago ang pakikitungo ng dalawa sa kanya.

MALAKING ISYU ANG nasulat sa Yes! magazine na P200,000 lang ang talent fee ni Sarah Geronimo sa superblockbuster movie na You Changed My Life at kahit nagpaliwanag na ang Viva Films at Star Cinema tungkol dito, paborito pa rin itong pagdiskusyunan sa showbis.

Hindi pa makunan ng comment si Sarah dahil nasa Amerika pa ito para sa The Next One US Tour. Pagbalik nito ng ‘Pinas, ang isyu sa kanyang talent fee ang sasalubong sa kanya’t curious ang taong marinig ang pahayag niya tungkol dito.

Bago pala umalis ng bansa, may nadagdag na endorsement si Sarah. Siya ang ipinalit kay Pops Fernandez na endorser/image model ng Unica Hija at isa sa mga araw na ito, makikita na ang mga billboard niya for the clothing line.

Magkakaroon din siya ng Sarah scent sa Bench na malapit na ring i-launch.

MAGTA-TIME OUT SINA Richard Gutierrez at Rhian Ramos sa taping ng Zorro para mag-guest sa April 4 show ng Eat… Bulaga sa New Jersey. Hindi agad uuwi ng ‘Pinas ang dalawa after the show, mag-i-extend sila ng two days at didiretso sa New York.

Parehong first time sa New York ng dalawa, kaya parehong excited. Mas excited lang si Rhian dahil first time niya rin sa Amerika. Nakaplano na ang kanilang mga gagawin habang nasa Big Apple at kasama rito ang panonood ng Broadway play at ang panonod ng NBA games sa Madison Square Garden. Hindi na sasama si Rhian sa pagku-cruise ni Richard dahil magsa-shopping na lang siya.

Hindi matsitsismis sina Richard at Rhian habang nasa Amerika dahil kasama ng actor ang kapatid niyang si Ritchie Paul at ang ina naman ang kasama ni Rhian. Sasabay si Rhian kina Richard pagbalik ng ‘Pinas dahil magpapa-iwan ang mommy niya para makipagkita sa mga kaibigang New York based na.

Mere or Less by Nitz Miralles

ADVERTISING