Isa pang anak ni Vic Sotto, ‘di type si Pauleen Luna

ADVERTISING

Isa pang anak ni Vic Sotto, ‘di type si Pauleen Luna

Vic-Sotto-Pauleen-LunaTILA HINDI lang sina Danica at Oyo Boy Sotto ang hindi tanggap si Pauleen Luna for Vic Sotto.

Maging ang isa pang anak ni Vic ay hindi rin type si Pauleen. Nabuking lang ito when the daughter of Vic said on social media na napilitan lang siyang mag-pose kasama si Pauleen at Vic sa party na in-organize ng una.

Sinabi ng ex-partner ni Vic na napilitan lang ang kanyang daughter na magpa-picture kasama sina Pauleen at Vic. Ayun, naging malaking issue na ‘yon sa Instagram account ng hitad. Talagang pinagtulungan ng basher ang ex-partner ni Vic at kung anu-ano ang sinabi sa kanya.

True ba ang chika ng isang follower na pati si Ryzza Mae Dizon ay pinagselosan ng ex-partner ni Vic dahil ang haba-haba raw ng speech nito tungkol sa comedian noong 60th birthday nito?

ADVERTISING

Akala namin ay happy occasion ang naging birthday ni Vic pero hindi pala.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING