Isa pang anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto, nagpapapalit na rin ng apelyido

ADVERTISING

Isa pang anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto, nagpapapalit na rin ng apelyido

Dennis-PadillaDUMATING NA rito sa bansa ang mag-inang Marjorie at Julia Barretto, pero hindi talaga sila nagpa-interview tungkol sa isyu nila kay Dennis Padilla.

Minor pa kasi si Julia, kaya ayaw na itong pasalitain pa ni Marjorie. Kahit nga si Marjorie ay tahimik na rin at ang abogado na nila ang bahalang magsalita.

Kaya lang, may panibago  na namang isyu dahil nalaman na rin pala ni Dennis na pati ang isa niyang anak na si Claudia Barretto ay nag-file din ng Petition to Change Name sa QC-RTC.

Magkasabay pala ang magkapatid na Julia at Claudia na nag-file at huli lang ito nalaman ni Dennis.

ADVERTISING

Kaya naghahanda na ngayon ang komedyante ng Motion to Intervene para naman kay Claudia.

Nasaktan daw siya talaga dahil sa ginawa ng mga anak niya. Tiningnan din niya ang isa pa nilang anak na si Leon, pero hindi pa naman daw.

Nakabalik na rito sina Julia, pero hindi pa raw sila nagkausap. Nalulungkot daw siya, pero wala na raw siyang magagawa. Ipaglalaban na lang daw niya ang karapatan niya bilang ama. Pero kung ano raw ang desisyon ng korte, igagalang niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING