Is romance brewing between Solenn Heussaff and Tom Rodriguez on the set of Temptation Island?

ADVERTISING

Is romance brewing between Solenn Heussaff and Tom Rodriguez on the set of Temptation Island?

Is romance brewing between Solenn Heussaff and Tom Rodriguez on the set of Temptation Island?PUSPUSAN NA NGAYON ang taping para sa sexy-comedy film na Temptation Island ng Regal Films. Usap-usapan sa Twitter ang ilan sa mga intrigang lumalabas na galing mismo sa set ng nasabing pelikula. Mainit man ang panahon, tila hindi na rin mapigilan ang init sa pagitan ng stars ng pelikula na sina Solenn Heussaff at Tom Rodriguez. Balitang ang dalawa diumano ang madalas na mag-usap at magkakulitan sa set. Kahit sa kanilang mga Twitter accounts ay walang humpay din ang palitan nila ng mensahe. Parehong matalino at talented sina Solenn at Tom kaya hindi kataka-taka kung naging ‘temptation’ sila sa isa’t isa. Bakit nga ba naman hindi? Alam naman ng lahat na press release lang ang pagli-link sa dalaga kay Richard Gutierrez at kinalasan na rin ni Tom ang ex-PBBDU girl na si Princess Manzon.

ADVERTISING

Pagiging ‘halimaw’ni Rico Blanco, ikinagulat ng mga tagahanga!

Kung dati ay hinahangaan ang pagiging ‘halimaw’ ni Rico Blanco sa musika, ngayon ay kinakatakutan na ng televiewers ang biglang pag-transform ng kanyang karakter bilang Lucas sa ‘Imortal’. Magtatapos na ngayong Biyernes ang nasabing palabas at marami ang nabigla dahil sa hitsura ni Rico Blanco sa serye. Normal na tao si Lucas nang mag-umpisa ang Imortal, pero sa pagtatapos ay naging isang ganap na halimaw na ito. Isang revelation ang singer turned actor na ito at as early as now ay hinihintay na ng mga televie-wers kung magkakaroon ito ulit ng TV show sa Kapamilya Network. Tuluyan na kayang lilisanin ng ex-Rivermaya vocalist ang mundo ng musika para maging bida sa aktingan?

Kylie Padilla, bida na sa Blusang Itim!

ADVERTISING

Namamayagpag ngayon sa bakuran ng Siyete ang dalagang anak ni Binoe na si Kylie Padilla. Hindi pa man natatapos ang fantaser-yeng Dwarfina, ibinalita na sa press na si Kylie ang magmamana ng Blusang Itim na unang sinuot ni Snooky Serna. Ngayon pa lang ay marami na ang nagtataas ng kilay dahil ang alam ng lahat ay ang Starstruck V gra-duate na si Sarah Lahbati ang pi-piliin para sa naturang papel. Ayon naman sa aming impormante, dumaan naman daw sa audition ang mga napiling cast members ng Blusang Itim. Sina Carl Guevarra at Frank Magalona ang makakapareha ni Kylie sa nasabing serye. Mag-uumpisa na ang taping para sa bagong afternoon show ng GMA-7. Oras na para patunayan ni Kylie na deserving siya sa a-tensyong iginagawad sa kanya ng kanyang home network.

Camille Prats, kapalit ni Carmina Villaroel sa ‘Munting Heredera’

Unang ibinalita na si Carmina Villaroel ang original choice bilang kasama ni Gloria Romero sa ‘Ang Munting Heredera’, ang bagong family drama series ng Kapuso Network. Nag-backout sa nasabing proyekto si Carmina dahil sa dami ng proyektong kasalukuyan niyang hinahawakan. Si Camille Prats ang humalili sa papel na iniwan ni Carmina. Ito ang follow-up project ng dating childstar matapos nitong gumanap bilang kontrabida sa Bantatay. Kasali rin sa nasabing teleserye sina Mark Anthony Fernandez, Katrina Halili at ilan pang baguhang child stars.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING