Ipupush muna kay Ken Chan: Barbie Forteza, iwawaglit si Jak Roberto

ADVERTISING

Ipupush muna kay Ken Chan: Barbie Forteza, iwawaglit si Jak Roberto

Ipupush muna kay Ken Chan: Barbie Forteza, iwawaglit si Jak Roberto
Barbie Forteza

ANG TAGAL na palang magkakilala sina Barbie Forteza at Ken Chan.

Sa teleseryeng pambagets ng GMA na Tween Hearts 2, silang dalawa ang ginawang magka-partner ng Kapuso Network and the rest was history.

Bagay naman kasi. They look lovely on screen at malakas ang following ng tambalan nila sa mga fans na patunay lang ang magandang ratings ng TV serye nila na “Meant to Be” na lalong nagpatatag sa pagsasama ng dalawa.

With Barbie and Ken’s partnership on-camera ay nabuo ang love team nila ng binata na tinawag ng mga fans na “KENBIE” na cute naman.

ADVERTISING

Suportado ng mga fans ang KenBie partnership kahit sabihin pa na ang rumored boyfriend ni Barbie ay si Jak Roberto. Umaasa pa rin sila na may milagrong maganap.

Ngayon ay suportado ng Regal Films ang KenBie with their first movie na “This Time I’ll Be Sweeter” na directed by no less than Joel Lamangan. Mahihirapan  nga naman na ipromote ang dalawa kung ang dalaga ay panay post sa social media ng mga photos nila ni Jak.

Ipupush muna kay Ken Chan: Barbie Forteza, iwawaglit si Jak Roberto
Ken Chan and Barbie Forteza

Kaya si Barbie ay magla-lie low muna sa kanyang social media mentioning her ”rumored” boyfie para makapag-concentrate naman siya sa promotion ng love team nila ni Ken at ng movie nila na showing na this November 1.

Para lang di maguluhan ang mga tao kung ano talagang meron. ”Para maka-focus din ako sa movie promotions, kasi pelikula ko rin ito. So, I care for this film, so para sa ikabubuti, ikakaayos, at ikakaganda ng pelikula,” kuwento ng dalaga.

“Kami ni Ken, we’re friends. Almost seven years na. We’re buddies,”  sabi niya.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING