Ipinahakot na ang mga gamit sa dressing room: Willie Revillame, bibilhin ang kontrata para makaalis sa Dos?!

BLIND ITEM: NAGTATAKA ang isang beteranang komedyana at aktres, kaya kinausap niya ang kasamang aktor sa teleserye.

“Baket ‘yung anak mo, napakahusay namang umarte, ba’t hindi nabibigyan ng break sa network niya?”

Sagot ng aktor: “Sinasabi ko na nga sa kanya ‘yan, eh. Ayaw pumatol sa baklang executive, kaya walang nangyayari sa kanya!”

Na-shock ang beteranang aktres at natawa na rin. Dahil seryosong-seryoso sa kanyang tinuran ang aktor.

Oo nga, mahusay umarte ang kanyang anak na young actor, pero laging kontrabida ang papel. At saka angkan ng mga artista ang mga ‘yan.

Ang tanong lang: ano naman ang assurance na ‘pag pumatol sa bakla, sisikat na?

Alalahanin n’yo, kahit kelan, hindi n’yo nabalitaang pumatol kami sa bakla, ‘di ba?

Ha-ha-ha! Jowk!

Ha-ha-ha! Nako, makapagbigay na nga ng clue. Ang pangalan ng young actor na ito ang siyang “pinagmumulan” ng isa sa mga kalikasan.

‘ETO NA ANG latest. (‘Yan ay kung hindi pa lumalabas sa diyaryo’t hindi n’yo pa nababalitaan, ha?)

Tila hindi na talaga babalik si Willie Revillame sa Wowowee, dahil may nagtsika sa aming ipinakuha na ni Willie ang kanyang couch o sofa sa kanyang dressing room kasama ang kanyang mesa at TV set.

“Ang alam ko, meron siyang bahay riyan sa ipinapagawa niyang Wil Tower, ‘di ba? Du’n niya muna ipinahatid.”

So, totoo na ang kumakalat na wala nang balikang magaganap?

“Ang narinig ko lang,” patuloy ng aming source, “Iba-buy out yata ni Kuya Wil ‘yung kontrata niya sa ABS-CBN para maka-transfer na siya sa ibang istasyon.”

Saan naman siya ta-transfer, sa TV5?

“Baka sa Channel 7!”

Let’s just wait and see.

MAY SINGKUWENTA MIL na followers si Vice Ganda sa Twitter, pero kami na po ang magsasabi na wala pong twitter account si Vice. Sa Facebook lang po siya may tatlong account.

Si Pokwang nga, tinwit niya sa mga followers niya na wala ngang twitter account si Vice. “Mahirap na, mare,” sey ni Pokwang, “Baka akala ng mga tao, siya ‘yung nandu’n, baka someday, magamit ‘yon ng impostor para pagkakitaan.”

Sabi nga ni Mariel Rodriguez, “Tamaah!”

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn kasama sina Ms. F, Fwend Rommel Lasam Placente at Daddy Eric Borromeo.

‘Yan ay kung type n’yo lang ng kakaibang atake ng pagbabalita sa showbiz, huh?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleDahil sa ‘di pagsipot sa isang event: Sarah Geronimo, makasisira ng buhay ng isang pamilya
Next articleVic Sotto, may pagkukulang kaya hiniwalayan ni Pia Guanio?!

No posts to display