Ipinagyabang ang malaking kargada: bansot na aktor, type na type ang matangkad na aktres!

TINAMAAN NANG HUSTO ang aktor sa isang aktres na produkto ng isang reality search, ito’y sa kabila ng kanilang height difference. Hindi kasi katangkaran ang aktor, malayo sa taas ng kanyang amang aktor at dating pulitiko.

Matangkad naman ang kursunadang aktres ng aktor, kaya biniro tuloy siya ng isang reporter na malapit sa kanya: “Type mong ligawan si (pangalan ng aktres with a foreign-sounding name)? Eh, ang tangkad nu’n, samantalang ang liit mo.”

Buwelta naman ng simpatikong aktor, “Maliit nga ako, pero malaki naman ang kargada ko!”

Da who ang aktor na ito? Sayang. Ito lang ang  aming masasabi.

(By Ronnie Carrasco III)

Previous articleKilalang gay at mayamang negosyante, madalas um-attend ng pool party ng mga baesketbolista!
Next articleRemake darlings!

No posts to display