Ipinagkalat kasing mawawala na ang kanyang show
Sharon Cuneta, naglabas ng hinanakit sa isang blogger!

ADVERTISING

<b> Ipinagkalat kasing mawawala na ang kanyang show</b><br> Sharon Cuneta, naglabas ng hinanakit sa isang blogger!

<b> Ipinagkalat kasing mawawala na ang kanyang show</b><br> Sharon Cuneta, naglabas ng hinanakit sa isang blogger!

NOONG SABADO, July 21, sa Paparazzi Showbiz Exposed ay eksklusibong nakapanayam ni Cristy Fermin ang Megastar na si Sharon Cuneta. Kinumusta ni Cristy si Sharon na nitong mga nakaraang linggo lang ay naging laman ng mga balita dahil sa tsismis na diumano ay mawawala na ang kanyang show.

Hindi nakapagpigil ang Megastar at sinagot niya ng punto por punto ang issue noon sa pamamagitan ng social networking site na Twitter.

Si Sharon na rin ang nagbukas ng topic kay Cristy tungkol sa mga isyung lumulutang na diumano ay nalalapit nang magtapos ang kanyang programa sa TV5, ang Sharon, Kasama Mo Kapatid.

ADVERTISING

Aniya, “Ako na magbubukas nito, ‘Nay. Gusto ko ring linawin na parang masisibak na ‘yung show in a month, na meron na raw hinahandang ibang show na papalit.

“Siya (‘yung blogger) rin ‘yung unang nagsabi sa napakalaking news daw na lumipat ako sa Channel 5, na kung anu-anong ganyan, ‘yun pala nag-decide na raw yung mga boss na once a week na lang ‘yung show kong gagawin, hindi everyday.

“Eh, hindi pa lumalabas ‘yung show no’n. So lahat mali, lahat sinungaling. Tapos this time… hindi ko alam ‘yung source niyang mali. Ano bang source niya, Pasig River?”

Dugtong ni Cristy dito, “Tsaka mula nang magsimula itong iyong programa, an’dami mo nang puso na hinaplos, an’dami mo nang kababayan na binigyan ng pag-asa at kaligayahan. Siguro sapat nang sagot ‘yon sa mga nang-iintriga, ‘di ba?”

Na sinang-ayunan naman ni Shawie, “Tsaka kilala ninyo ako mula pagkabata halos… kilala ninyo ba ako na kapag tumutulong ay inaanunsiyo?”

Sagot naman ni Cristy dito ay isang sikretong ngayon lang nalaman ng lahat. Aniya, “Meron nga akong alam, eh, baka pagalitan mo ako kapag sinabi ko sa iyo. Nu’ng down na down ang aking anak-anakan na si Willie (Revillame), hinding-hindi ka niya p’wedeng traydurin, hinding-hindi ka niya p’wedeng saktan. Kasi nu’ng time na bagsak na bagsak ang kanyang estado, ang kanyang karera at buhay, ikaw ‘yung tumawag, ‘Wil, nasaan ka? May ipapadala ako sa iyo’.”

Natatawa namang sagot ni Shawie, “Binayaran niya ako, ‘Nay. Binayaran niya ako ng tseke. Pinunit ko sa harap niya. Sabi ko, bakit mo ako binabayaran? ‘Di ba, regalo ko sa iyo ‘yon? Bakit? Mayaman ka na ngayon? Nagmamalaki ka na?”

Nang napadako na ang usapan sa pagyao ng Comedy King na si Dolphy, dito na bumuhos ang emosyon ni Sharon. Dito ay ibinuhos na rin niya ang pasasalamat kay Mang Dolphy dahil minsan daw isang panahon ay ipinagtanggol siya nito. Ito ay ang intrigang natanggap niya noong 19 years old pa lamang siya nang nanalo siya ng best actress award mula sa isang award-giving body.

Kuwento ni Sharon, “Nag-speech siya, kasi nag-receive siya ng something tapos sa gitna po ng speech niya, sabi niya, ‘wag naman nating husgahan, siya po ‘yung nagsabi na wag po nating husgahan at ‘wag nating apihin ang mga kasamahan natin sa industriya, something like that.

“He defended me. Eh, isa siyang Dolphy especially at that time. Na hindi naman niya kailangang gawin, ‘di ba? Ang ginawa ko po, tumakbo lang po ako backstage, hinintay ko siya. Nu’ng palabas siya, kinamayan ko lang po siya kasi hiyang-hiya pa ako noon. Sabi ko, maraming, maraming salamat po. Sabi niya, kinindatan lang niya ako. Gumano’n lang siya, parang walang anuman.”

 

MAY NAKARATING sa aming kuwento na pareho pala ng manager itong sina Eduard Bañez at Bay Bisaya noon, pero halos sabay rin nilang nilisan ang kuwadra ng manager. Hindi lang namin alam kung ano ang dahilan ng dalawa dahil hindi na namin ulit pa sila nakausap nang personal.

Nagkanya-kanya ng raket sina Bay at Eduard pero pinagtagpo rin sila sa NET25, sa morning show ng istasyon na Homepage. Napanood namin sila minsan sa kanilang morning show at Dodong Ed ang tawag nila kay Eduard. Nakita namin sa Facebook ni Eduard ang ilang pictures nila at halatang enjoy silang dalawa sa kanilang ginagawa.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING