Ion Perez napi-pressure sa pagiging leading man ni Sunshine Guimary

Leo Bukas

BIG TIME na si Ion Perez. Leading man na siya sa pelikula ng sexy vlogger na si Sunshine Guimary sa launching movie nito sa Viva Films na Kaka ang title. Ang isa pang leading man ni Sunshine ay si Jerald Napoles.

Aminado si Ion na dahil unang pelikula niya ito na siya ang leading man kaya matinding pressure ang kanyang nararamdaman.

“Alam n’yo naman po na mahiyain ako sa totoong buhay kaya medyo nakaka-pressure po para sa akin yung character ko dito.

Ion Perez napi-pressure sa pagiging  leading man ni Sunshine Guimary
Ion Perez and Sunshine Guimary

“Kasi po, unang-una ito po yung unang pelikula na ako po yung leading man kaya parang mas doble po yung pressure na nararamdaman ko,” reaksyon ng boyfriend ni Vice Ganda.

Handa at willing ba siya sa mga bed scenes nila ni Sunshine?

Tugon niya,  “Siguro ano po… kung ano po yung dapat. Kung ano yung dapat na gawin, siguro yon po.”

Nang tanungin kung binibigyan ba siya ng restrictions ni Vice sa pagtanggap ng role, ani Ion, wala naman daw.

“Hindi naman,” sabi ni Ion. “Ang sabi lang…  nagulat nga ako sa kanya. Eh, alam niya na mahiyain po ako. ‘Ikaw, kaya mo?’ Eh, hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng ganitong pagkakataon o opportunity.

“Sabi ko, ‘Sige, try ko, susubukan ko. Para naman yung abs ko lumitaw naman kahit papaano,” lahad niyang natatawa.

Eh, ano ba ang advice na binibigay  sa kanya ni Vice?

“Humihingi po ako ng tips sa kanya kasi alam naman po natin si Meme na pagdating sa ganyan very professional naman po yon. Sinuportahan niya naman po ako,” huling pahayag ni Ion.