Introducing: Nathalie Hart

ADVERTISING

Introducing: Nathalie Hart

Princess-SnellPALABAS NA sa mga sinehan ang Somebody to Love ng Regal Films. Nagsanib-puwersa ang ilan sa mga well-known artists ng ABS-CBN, GMA at TV5 para sa proyektong pinangungunahan ni Jose Javier Reyes, na forte talaga ang ganitong klaseng pelikula.
Nang ibunyag online kung sinu-sino ang kasali sa pelikula, napakamot-noo ako nang mabasa ang pangalang ‘Nathalie Hart’. Sinetch?! Is this another model turned movie actress na ang puhunan lang para makapasok sa showbiz ay ang pretty face na later on ay magdi-disappear na lang without reaching a certain level of fame?
Then I looked at the poster closely. This girl looks familiar. Right – she’s Princess Snell!
Does the name Princess Snell ring a bell? She’s a former Kapuso na unang napasabak sa showbiz via Starstruck Batch 5. Kasabayan niya sina Sarah Lahbati at Rocco Nacino. Although hindi nakaabot sa finals, it is no question na isa siya sa tumatak sa viewers because of her personality.
Siya rin among the few lucky ones na nabigyan ng dire-diretsong work. For a time ay naging mainstay ito ng Bubble Gang at Startalk. Huli namin itong nasilayan sa last season ng Survivor Philippines, kung saan hindi ito agad nag-survive.
Isa sa hinuhulaan namin na factors on why she suddenly disappeared are the negative rumors. Whether those are true or not, it’s all in the past.
Unlike her fellow Starstruck alumna Aljur Abrenica, this Fil-Australian beauty chose to leave GMA Artist Center the proper way. Nagpa-release ito at determinado nang samahan ang pamilya sa Australia.
Now, she changed her name to Nathalie Hart at bago na rin ang kanyang manager. Ngayon na nasa ilalim na siya ng pangangalaga ni Leo Dominguez (manager of Lovi Poe, Solenn Heussaff, Paulo Avelino, JC de Vera etc), siguradong may patutunguhan ang pagpapalit nito ng screen name.
May two pending movie projects ngayon si Nathalie Hart. Will she finally survive the crazy world of showbiz with her new name? Abangan natin ‘yan!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING