Intrigang Marian at Heart, hanggang kailan?

BOMB EXPLOSION ANG nangyari sa isyu ng alitang Marian Rivera at Heart Evangelista. Pero sa kabila ng pahayag ng GMA-7 at Regal Films na over na ang awayan ng dalawang hitad eh, marami pa rin ang hindi naniniwala na nagkaayos na sila. Kasalukuyan kasing magkasama sa remake ng Temptation Island sina Marian at Heart kaya ‘di nga naman magandang tingnan, ‘di ba? Baka makaapekto sa pelikula ni Mother Lily, afraid! He-he! Bagamat mahigit ilang linggo na ang nakalipas simula noong sumabog ang isyu, hindi pa rin matigil ang paglabas ng mga kuwentong ‘kutsero’ tungkol sa nangyari. Nariyan daw ‘yung pinahiya ng madir ni Heart si Amaya with matching bodyguards at ang dahilan daw ng paglipad ni Heart sa Brazil kasama si Papa Daniel ay dahil sa sobrang sama ng loob at inis sa dyowa ni Papa Dingdong. Walang makakapagsabi kung hanggang kailan ang iringang Marianita at Puso pero sa tingin ko’y may kanyakanyang hirit ang dalawa. Ano kaya ‘yun?

Photos by Ronnie Bernaldo, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleGoodbye Sandara Park! Hello, Nozomi Moriwaki as the new ‘Krung Krung’!
Next articleRobin Padilla successfully revived his showbiz career after a downfall

No posts to display