Internet Sensation Chesther Chua, idolo ang kapwa Internet Sensation na si Teejay Marquez

ADVERTISING

Internet Sensation Chesther Chua, idolo ang kapwa Internet Sensation na si Teejay Marquez

Chesther Chua
Chesther Chua

Mula sa pagiging Internet Sensation, balak daw ng guwapitong Chinito bagets na si Chesther Chua na pasukin ang mundo ng pag-arte.

Dream nga raw nito na makatrabaho ang kanyang fave Kapuso artist na si Heart Evangelista. “Si Heart po ang gusto kong makatrabaho, dahil bukod sa maganda siya, magaling din siyang umarte.

“Sa lalaki naman, si Teejay Marquez , kasi pareho kaming kilala sa Internet. Tsaka gusto ko ring makilala sa ibang bansa katulad niya, na sikat na sikat sa Indonesia. Hopefully makasama ko rin siya sa isang proyekto.”

Sa ngayon, busy si Chesther sa mga mall show, like sa June 11 ay makasasama siya sa P-Pop Boy Groups On Tour sa Starmall Edsa-Shaw. Isa rin itong ambassador ng Ysa Skin and Body Experts at Jewels.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING