International artist Debbie Gibson, Naispatan sa ‘Pinas!

International artist Debbie Gibson, Naispatan sa ‘Pinas!

NAPADPAD ANG SIKAT na singer at songwriter na si Debbie Gibson dito sa Manila nu’ng nakaraang linggo. Hindi siya pumunta rito para mag-concert. Sinusuportahan ng 80’s international pop star ang Children’s International, isang NGO na tumutulong sa mga kabataang mahihirap sa iba’t ibang bansa. Kasama si Debbie sa shooting ng A Child is Waiting, pelikulang naglalahad ng mga kuwento ng mga batang nangangailangan ng tulong.

Bilib kami sa kabutihan ng puso ni Debbie Gibson – ginagamit niya ang kasikatan niya para makatulong sa kanyang kapwa-tao. Saludo kaming mga kaparazzi sa ‘yo, Debbie… mabuhay ka!

By Faith Salazar

Photos by Joel Abelinde and Child International

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service