Instagram account ng Regal, na-hack; “Die Beautiful” ni Paolo, napirata na sa social media

ADVERTISING

Instagram account ng Regal, na-hack; "Die Beautiful" ni Paolo, napirata na sa social media

Sosyal ang online promotion and publicity arm ng Regal Films, na-hack! Parang Hollywood na ang mga kompanya sa abroad, napapasok ng hackers.

Instagram account ng Regal, na-hack; "Die Beautiful" ni Paolo, napirata na sa social media
Paolo Ballesteros with Regal Entertainment producer Roselle Monteverde

Ayon sa lady producer ng Regal Films na si Ms. Roselle Monteverde, ang social media account ng Regal Films sa Instagram ay napakialaman.

“Para namang isa kaming US company na hina-hack! Very useful pa naman ang IG namin sa social media promotions ng movie namin,” kuwento ng producer na nanghihinayang sa ilang araw na pagkakaroon ng problema ng IG nila. Ngayon pa na kailangan nilang mag-promote ng kanilang horror movie na “Pwera Usog” na mapanonood na sa March 8 na pinagbibidahan nina Sofia Andres, Albie Casiño, Devon Seron, Joseph Marco, at ang baguhang si Charise Castro.

As of presstime, inaayos na ang kanilang IG account.

ADVERTISING

Pati pamimirata, laganap na rin pala online (social media) dahil recently, ang pelikulang “Die Beautiful” na bida si Paolo Ballesteros, may mga free links na makikita online (IG, Twitter, at Facebook) na mapanonood mo nang libre sa smart phones, personal computers, o sa mga tablet.

Sa ganang akin, hindi nga fair ito sa Regal, gayong sila ang namuhunan.

Hopefully, maayos na ang problema ng hacking na ito.

ADVERTISING