Inspite of massive campaign in Facebook and Twitter: Sam Pinto didn’t expect to top FHM’s sexiest?

Inspite of massive campaign in Facebook and Twitter: Sam Pinto didn’t expect to top FHM’s sexiest?

Inspite of massive campaign in Facebook and Twitter: Sam Pinto didn’t expect to top FHM’s sexiest?MASASABING MASUWERTE SI Sam Pinto dahil sa loob ng dalawang taon sa showbiz, marami na rin siyang maituturing na accomplishments. Last Year, kasama siya sa napakalaking pelikula sa MMFF kung saan lea-ding lady siya ni Sen. Bong Revilla sa Si Agimat at si Enteng Kabisote. Ngayon naman, kinabog niya ang lahat sa FHM 100 Sexiest Women for 2011 dahil siya ang sinasabing sexiest women of the world sa botong halos umabot sa pitong million.

At sa presscon nga noong Sabado para sa FHM, na ginanap sa Midas Hotel sa Roxas Boulevard, halos hindi pa rin makapaniwala si Sam na siya na ang number 1 ngayong 2011, pang-number 32 lang kasi siya last year.

“Sobrang saya, and excited and overwhelmed at the same time, kasi grabe talaga ang suporta ng mga fans ko sa akin. Kasi alam mo naman na maraming fans sina Marian (Rivera), Angel (Locsin). So, sobrang saya ko talaga na nandiyan talaga ‘yung fans ko, ‘di ko alam kung paano ko sila mapasasalamatan.”

‘Pag naging number 1 sa FHM, sinasabi ring siya ang pinakamagandang babae sa mundo, sa larangan ng kaseksihan. “Feeling ko, ‘di ko talaga to ini-expect, in my wildest dreams,” natatawa pang pahayag ng Ex-PBB housemate.

Sa social networking sites na Twitter at Facebook idinaan ni Sam ang kanyang pangangampanya at sa loob ng isa’t kalahating buwan, mahigit sa 30 million votes ang pumasok kung saan 6.9 million ang napunta sa kanya. At dahil sa tiwala nang mga bumoto sa kanya, paano naman kaya niya ipapakita sa mga ito na deserving siya sa naturang titulo? Ano naman kaya ang maasahan ng mga tao sa kanya sa highlight ng event, kung saan rarampa ang karamihan ng mga babaeng napasama sa Top 100?

“Excited na ako du’n sa rampa kasi gusto kong maipakita ‘yung ibang side ng sexiness. Kasi hindi lang puro boobs, hindi lang puro puwet. Ang isang stick (payat) puwede ring maging sexy.”

At dahil nga hitik sa bunga kumbaga ang career ni Sam, marami ring intriga ang nilinaw namin sa kanya. Una na nga rito ang pang-ismid at pang-snub daw niya sa airport nang may nakasagi raw sa kanya.

“Oo nga eh, may ganu’n ngang lumabas na isyu. Usually kasi I’m very quite, so feeling ko na misinterpret na snub or something ‘yung pagiging tahimik ko. ‘Di ba ‘pag nasa airport ka naman, ang gagawin mo, ‘pag bumaba ka na nang eroplano, kunin mo lang bag mo, hintayin mo lang kotse mo. Ganu’n lang. May nagpa-picture pa nga nu’ng time na ‘yun, so paano mo masasabing nang-snub ako?” paliwanag pa ni Sam.

May isa pang issue na sa isang event daw ay may hindi siya pinagbigyang interview sa isang reporter.

“Oo nga eh, may issue ring ganu’n. Alam mo noong time na ‘yun kasama ko ‘yung handler ko from Viva and road manager ko, pero parang wala namang nagpaalam, wala namang nagsabi sa akin, so ewan ko sa’n napulot ‘yun. So weird.”

Pero, sa personal naming experience, napaka-accomodating naman ni Sam lagi kapag magsabi ka na gusto mo siyang ma-interview. Noong Star Awards nga for mo-vies, kahit na ilang minute na lang ay magpi-present na siya nang awards ay pinagbigyan pa rin niya kami nang short interview. ‘Yun lang at congrats Sam!

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Sino itong baguhang starlet, sexy star nga bang matatawag ito, ang kinairitahan ng isang reporter dahil nagmamada-ling umalis sa isang event kasi may pupuntahan pa raw siya?

Ang siste, nag-i-interview pa itong reporter sa tinanghal na sexiest woman of the world (first clue) nang bumulong daw ang isang staff sa reporter na itigil muna sandali ang panayam kasi kailangan na raw magpa-photo op ang mga girlash dahil nagmamadali daw si starlet.

Sagot nang reporter, “Da who ba siya?” Sabi nang staff, “Siya po ‘yung isa sa mga nandito sa presscon na part ng 100 sexiest.” O ayan may second clue ha?

Sabi nang reporter, “Sandali na lang ito, bakit ba siya nagmamadali eh, hindi naman siya kasikatan?” Ang ending, sumunod pa rin si reporter na itigil muna ang interview dahil kailangan nang magpa-photo opportunity sa nagpapaka-superstar na starlet. Clue: Apat lang ang dumating sa FHM 100 sexiest at isa du’n ay nameless.

 

Follow me on Twitter, @ar-nielcserato; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa ar-nielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleEarlier jailed for beating his wife: Robin Padilla’s brother Royette was transferred to Angeles City Jail for homicide
Next articleUnkabogable Vice! Todo Suporta from friends!