Inismiran pa ni Lea Salonga
Sarah Geronimo, sinaway ni Apl.d.ap!

ADVERTISING

<i>Inismiran pa ni Lea Salonga</i><br>Sarah Geronimo, sinaway ni Apl.d.ap!<i>Inismiran pa ni Lea Salonga</i><br>Sarah Geronimo, sinaway ni Apl.d.ap!MAY NAG-CHIKA sa amin ng isang kaganapan sa taping ng The Voice of the Philippines.

Galing na galing daw ang isa sa mga mentor sa nasabing show ng abs-cbn na si Sarah Geronimo sa isang contestant na ang pangalan yata, kung hindi kami nagkakamali, ay Rada.

Puring-puri raw ito ng Pop Princess matapos kumanta. Sa backstage daw yata nangyari ang lahat, ayon sa aming source.

Sa sobrang galing at ganda raw ng boses ng contestant ay sinabihan dumano ito ni Sarah ng: “Ang galing-galing mo! Egoy na egoy (negrong-negro) ang dating ng boses mo!” Or words to that effect daw sa sobrang paghanga niya.

Narinig daw ng international singer na isa pang mentor ng show na si Apl.d.ap ang komentong iyon ni Sarah, kaya nag-dialogue daw ito ng: “Watch your words.”

ADVERTISING

Nasaksihan din daw ng isa pang mentor na si Lea Salonga ang eksena, pero hindi raw ito nagsalita. Bagkus, tila nag-ismid diumano ang world-renowned singer.

 

<i>Inismiran pa ni Lea Salonga</i><br>Sarah Geronimo, sinaway ni Apl.d.ap!BAGO TUMULAK ng Amerika ang mag-anak ni Sen. Bong Revilla last Tuesday night para sa 27th wedding anniversary celebration nila ng kanyang asawa na si Congw. Lani Mercado, nakipag-meeting muna ito at ang kanyang naka-tatandang kapatid na si Marlon Bautista sa direktor na si Dondon Santos para sa pelikulang gagawin ng senador para sa Metro Manila Film Festival sa darating na December na entry ng kanilang film outfit na Imus Productions.

Super Kap ang working title ng movie, kaya hindi gaya ng mga unang naibalita na gagawin daw pelikula ni Sen. Bong ang kanyang epic soap opera na Indio sa GMA-7.

Binabalak ng kampo ng simpatikong senador na humiram ng mga bigating artista mula sa Kapamilya Network para makasama niya sa kanyang pelikula, lalo na ang kanyang magiging leading lady.

Una sa listahan nila ay sina Toni Gonzaga at Vhong Navarro pero mukhang kakailanganin pang magpaalam ng dalawa sa Star Cinema big boss na si Tita Malou Santos, lalo na yata ang actress-TV host-singer.

Incidentally, hindi alam ng magkapatid na Sen. Bong at Marlon na sa kabilang function room ng Annabel’s resto sa Tomas Morato, kung saan sila nakipag-meeting ay kakatapos lang din ng presscon ng girlfriend ng vice governor-elect ng Cavite na si Jolo Revilla na si Jodi Sta. Maria for Purefoods nuggets.

Pero hindi na inabala pa ng mga ito si Jodi, dahil nagmamadali ring umuwi ng bahay ni Sen. Bong para mag-empake. Nauna na raw pumunta ng States sa kanila si Jolo.

 

LALONG GUMAGANDA sa personal ang baguhan na si Loven Canon, kahit walang makeup nang makita namin ito sa Grams resto sa loob ng ABS-CBN compound. Ang ganda rin ng height, at 22, at talagang flawless!

Nakasama ni Loven na mag-guest si Joey Marquez sa Toda Max. Isang sexy policewoman ang naging role nito.

Napakinggan at napanood na rin ang young actress sa radio program ni Mama Jobert Sucaldito na Mismo sa DZMM.

Kasama rin si Loven sa up-coming movie nina Kim Chiu at Xian Liam under Star Cinema bilang lover o other girl ng aktor, if we heard it right.

At her young age, President si Loven ng Junior Chamber International (JCI) ng Surigao. It is a group of young active citizens creating positive change.

Kapag hindi masyadong busy sa showbiz at charity works ay tumutulong si Loven sa Loreland Farm Resort sa Antipolo, Rizal na business ng kanyang kaibigan.

 Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING