Iñigo Pascual, umaming ‘di na nakahanap ng kapalit ni Piolo Pascual ang kanyang mommy

ADVERTISING

Iñigo Pascual, umaming 'di na nakahanap ng kapalit ni Piolo Pascual ang kanyang mommy

Iñigo Pascual
Iñigo Pascual

Ayon kay Iñigo Pascual nang makausap namin sa launching ng kanyang self-titled album sa Star Records, okey ang relasyon ng mom niya at ng daddy niyang si Piolo Pascual kahit matagal nang hiwalay ang dalawa.

“They’re okey. Siguro po may reason kung bakit ganu’n ‘yung situation, pero okey sila. Whenever they have to talk about me, okey sila. At saka they ano naman, kunwari tungkol sa education ko, tungkol sa anuman, sa career, pinag-uusapan nila,” sabi pa niya.

Hindi na ba mag-aasawa ulit ang mommy niya?

“Sabi ko nga sa kanya, eh,” mabilis niyang sagot.

ADVERTISING

“But I’m just happy that I have her by my side,” patuloy pa niya.

Dagdag pa niya, “Personally, siya, parang she wants to be with me para alagaan ako. Kasi ganu’n din po ‘yung nangyari sa lolo ko po.

“Parang when my grandmother died, hindi na siya nag-asawa ulit. So, I think same thing happen to my mom. May nagpaparamdam sa kanya, pero walang…” kuwento niya.

Ang kantang “Dahil Sa ‘Yo” ang carrier single ng album ni Iñigo at number one ito sa ilang FM stations sa bansa.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING