Iñigo Pascual, suportado pa rin ni Piolo Pascual sa allowance

Iñigo Pascual, suportado pa rin ni Piolo Pascual sa allowance

Piolo-Pascual-Inigo-PascualNAKATUTUWANG MALAMAN na kahit bongga na ang mga raket sa showbiz ni Iñigo Pascual ay sinusuportahan pa rin siya ng daddy niyang si Piolo.
“Every month pa rin. And he earns his own money, he does make a good living out of singing engagements, tapos may movie pa siya, so talagang overwhelming. And overworked, that’s the compromise, ‘di ba? But at least, he knows na what to prioritize pa rin,” kuwento ng aktor.
Maging ang kinita raw ng anak bilang endorser ng Sun Life ay hindi pa rin ginagalaw ni Iñigo at naka-tseke pa rin ito ngayon.
“Hindi niya alam kung paano niya gamitin, gusto niyang bumili ng kotse, of course, pero I keep telling him na… siguro naman, nakita niya how I saved up through the years, so exposed naman siya sa pagtitipid, exposed siya kung paano maging praktikal. Hindi siya spender, eh. Imagine having that kind of amount early on,” sey pa niya.
Kunsabagay, wala namang dapat pagkagastusan si Iñigo dahil ayon na rin kay Piolo, may bahay raw itong tinitirhan kasama ang mommy niya.
Kasama si Iñigo sa movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ipalalabas ng Star Cinema para sa Valentine’s Day. Siya bale ang magiging ka-love triangle ng Kathniel.

La Boka
by Leo Bukas