Inigo Pascual nakabili ng sariling farm sa Rizal; mag-aalaga ng baka, baboy at kabayo

Leo Bukas

MAY SARILING FARM na rin si Inigo Pascual, ang singer-actor na anak ni Piolo. At the age of 23 ay may na-invest ng properties ang binata mula sa kanyang mga kinita.

Nabili ni Inigo ang kanyang frm na matatagpuan sa Rizal last year, November 2020. Bumili rin si Inigo ng mga kabayo, baboy at baka na balak niyang paramihin sa farm.

Inigo Pascual nakabili ng sariling farm sa Rizal; mag-aalaga ng baka, baboy at kabayo
Inigo Pascual

Ani Inigo,  “I’ve always wanted to have horses. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm. Parang sobrang pangarap ko talaga yon bata pa lang ako. And also to have my lolo here with me and makita siya na sobrang excited to be there.”

“Ako kasi I’ve always love nature. Parang doon ako kumakalma, doon ko nakakalimutan ang stress, ang problema. Hilig ko lang talaga bata pa ako, hilig ko sa bundok, hilig ko mag-hike, magpunta sa beach. So anything nature-related eh yon ang trip ko na gawin on my spare time,” dagdag pa niya.

Nakakatuwang namana ni Inigo ang ugali ng kanyag ama na maging masinop sa pera at magkaroon ng mga investments. As we all know, bukod sa iba’t ibang businesses ni Papa P ay meron din siyang malaking resthouse sa Batangas na tinuluyan niya nitong panahon ng pandemic.

Nakakatuwa ring malaman na kahit nawalan ng franchise ang ABS-CBN ay nanantili sa Kapamilya network sina Piolo at Inigo. In fact, any time soon ay may gagawin ng project si Piolo sa ABS-CBN.

As per Inigo, busy naman ang binata ngayon sa pagpo-promote ng kanyang latest album titled Options.

Previous articleRaymond Gutierrez umamin sa pagiging proud member ng LGBTQ
Next articleVLOG WATCH: Who Knows Julia Barretto better? (Dyowa vs Nanay!)