Iñigo Pascual, nag-react sa bashers ng ama niyang si Piolo Pascual

ADVERTISING

Iñigo Pascual, nag-react sa bashers ng ama niyang si Piolo Pascual

Iñigo Pascual
Iñigo Pascual

Nag-react si Iñigo Pascual sa bashers ng Papa niyang si Piolo Pascual after kumalat ang photo nila habang natutulog kung saan kayakap niya ang kanyang anak.

ADVERTISING

“Haters stay hatin. Thanks for everything pa. missed you. #Dinaminproblemakungmayproblemakayosapicturenato.”

‘Yan ang sagot ni Iñigo sa bashers nila.

Ang daming kumampi kay Inigo.

ADVERTISING

“Wala naman masama dito sa pic nato. Mga bashers talaga dumi ng utak. Sana lahat ng boys ganito padin ka sweet sa parents nila kahit malaki na.”

“I am starting to like this boy. He gets bullied and bashed every single day, unnecessarily, but he chooses his battles. It is hard enough being a teenager conforming to the demands of the times but to be the son of one of the biggest artists of this generation is even more difficult. I feel you, Inigo. I support you as long as the battles you are fighting for are worth your time and energy. This one is.”

“unfortunately, sa pag-usad ng modernization, umatras naman ang gmrc ng mga tao. ito na siguro ang pinaka-heartwarming na photo na pwedeng makita ng isang magulang. at sana para sa mga anak din.”

“sa totoo lang, naiyak ako ng nakita ko ang pic nila. naalala ko ang tatay at kuya ko. close kaming family until naging teenagers na kami. nag-abroad at nag-asawa ang kuya ko pero ng magkasakit ang tatay namin, doon lang uli kami nabuo. twice ko lang uli nakita ang kuya at tatay ko na magkasama. at 2 days bago namatay ang tatay namin, natulog si kuya sa tabi ni tatay, nakayakap at ayaw umalis sa tabi niya. nakita ko uling ngumiti si tatay. alam kong napakasaya niya pero mas lalong masaya ang nanay namin. kaya ng makita ko ang pic nila, masaya ako para kay piolo at inigo, napakaswerte nila na malalim ang relasyon nila. ngayon, hindi namin kakalimutang ipadama ang pagmamahal namin kay nanay. sana nga lang, andito pa ang tatay namin,” one fan related.

‘Yan ang ilang comments na aming nabasa sa isang popular website.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING