Iñigo Pascual and Maris Racal: You will always be MY BOO!

ADVERTISING
Iñigo Pascual and Maris Racal: You will always be MY BOO!
MARNIGO: Maris Racal and Inigo Pascual

INIGO PASCUAL

Real Name: Iñigo Dominic Lazaro Pascual

ADVERTISING

Birthdate: September 14, 1997

Zodiac Sign: Virgo

MARIS RACAL

ADVERTISING

Real Name: Mariestella Racal

Birthdate: September 22, 1997

Zodiac Sign: Virgo

YOUNG LOVE… hindi niyo ba namimiss ang feeling ng being in love? Innocent, pure and very cute! ‘Yan ang naaalala namin sa tuwing nakikita namin na trending ang MarNigo (Maris Racal and Inigo Pascual), na isa sa promising young loveteams ngayon.

Parehong may recall sa mga teenagers at hindi rin naman nagpapatalo kung kantahan at aktingan ang pag-uusapan. Sa pag-iibigan kaya? Let’s check!

Wow, pareho palang virgo ang zodiac signs ng mga bagets! Kung ang dalawang virgo ay nagsama, it’s either ‘too perfect’ o ‘too complicated’ ang kalalabasan.Pwedeng maging super careful sila sa mga bagay-bagay, pero may times din na super careless. Naku!

Parehong dedicated ang dalawa sa kanilang mga ambisyon sa buhay.Gagawin nila ang lahat – they will work hard, play hard para lang mag-succeed. Dahil sa trait na ito, they will expect almost perfection from their partner, at sa totoo lang, mataas ang standards nila, huh!

Kapag hindi na-meet ang expectations nila sa kapartner, madalas na nagiging umpisa ito ng hidwaan. Praktikal ang Virgo. Kapag sila’y nakikipag-relasyon, hindi pang romantic movie ang vision nila – they’re realistic. Hindi sila naniniwala sa puro pa-tweetums at pabebe lang. Ipinapakita nila ang kanilang love for their partner by doing good things and showing practical gestures. Sila rin ay kilala sa pagiging organized to the point na super OC na nakakaloka! Dahi dito, baka maging predictable ang pagsasamang ito. Dapat ang isa sa kanila ay matutong i-break ang ice every now and then. Wala naman super drama na magaganap kapag may mga tampuhan. Hindi ‘yan uso sa mga virgo!

May chemistry ang dalawang Virgo. They have almost the same interests, same levels of expectations at ang practicality nila ay sakto lang. They share the positive and negative traits. Ang masaya sa pagsasamang ito ay guaranteed ang kanilang loyalty. Maaasahan mo rin sila when you need them the most.

Mataas ang chance ng long-lasting relationships between two virgos. Lagi lang silang nar’yan para sa isa’t isa. Same level lang din sila pagdating sa selosan (na bihira) at possessiveness (na hindi naman OA). Dapat lang na maging conscious sila na hindi masyadong mag-expect ng perfection sa iniirog. Kung ito ay maaksyunan nila, ito na nga ang tambalang pang-forever!

Well… MarNigo can be real! Tuluyan na nga kayang ide-dedicate ni Inigo ang kantang “Dahil Sa’yo” kay Maris? Dahil sa’yo ako’y matapang… dahil sa’yo ako’y lalaban… witwew! Papa P, umiibig na ang binata mo, o! 

 

Pares-Pares

By Madam DaminIñigo Pascual and Maris Racal: You will always be MY BOO!

ADVERTISING