Iñigo Pascual, maghuhubad sa bagong serye

Iñigo Pascual, maghuhubad sa bagong serye

Inigo-PascualI AM sure, tulad sa lakas ng sex appeal ni Piolo Pascual ang anak na si Iñigo Pascual kahit bubot pa ang katawan at hindi pa ganu’n kadetalyado ang mga sexy muscles tulad ng kanyang ama, alam mo may hatak din si Iñigo. Fresh na fresh kahit less muscles at walang abs, sexy ang tingin ng mga kababaihan at mga beki sa pangangatawan ng showbiz cutie na ‘to.

May mga lalaki kasi na hindi naman kailangan ng abs at muscles para maging sexy (na pamantayan ng marami). Pero may ilan din na sexy sa kanila ang physical peg ni Iñigo na lean and tall na dito pa lang, yummy na ang pangangatawan para sa kanyang mga tagahanga, lalo na ang mga beks.

Sa bagong teleserye for summer ni Iñigo na And I Love You So na part din ng Dreamscape Magical Summer, may mga eksena raw sa beach si Iñigo showing off his lean but sexy body. “Imposible naman na nasa beach resort sila, naka-long-sleeves si Iñigo,” kuwento ni Direk Don Cuaresma sa karakter ng kanyang bida.

Last Tuesday, nagkaroon ng story conference ang bagong teleserye na isinabay na rin ang formal announcement sa media, kung saan kabilang sina Julia Barretto at Miles Ocampo.

This summer, I’m sure, mae-enjoy ng manonood ang bagong show lalo pa’t ipakikita sa teleserye ang iba’t ibang mga beaches ng Pilipinas. Sabi ni Mr. Deo Edrinal, “We will coordinate with the DOT,” pahayag niya.

Reyted K
By RK VillaCorta