Iñigo Pascual, inaming mag-MU na sila ni Sofia Andres

ADVERTISING

Iñigo Pascual, inaming mag-MU na sila ni Sofia Andres

Inigo-Pascual-Sofia-AndresPARANG HINDI baguhan si Iñigo Pascual nang humarap siya sa media para sa presscon ng first movie niyang Relaks, It’s Just Pag-ibig produced by Spring Films and distributed by Star Cinema at showing sa Nov. 12. Relaks lang at kalmante si Iñigo habang nagpi-pressscon at iniinterbyu ng press.

Hindi siya nauutal or something. Wala ring pretensyon at kaek-ekan sa kanyang mga sagot. Marahil ay na-train na siya kung paano pakiharapan ni Piolo Pascual ang press kaya normal na lang sa kanya ang iniinterbyu.

Hindi rin uso sa binata ang secret na sagot sa mga tanong dahil sa one-on-one interview ay inamin niyang mag-M.U. sila ng kaparehang si Sofia Andres na wala ring takot sa pag-aming crush niya rin si Iñigo.

Pero ayon sa binata, hindi pa seryosohan ang lahat. Mga bata pa raw sila at hindi sila nagmamadali.

ADVERTISING

Masarap kausap si Iñigo dahil very sincere ito. Hindi pa marunong mag-deny at magsinungaling. Good catch sa showbiz ang katulad niya, huh. ‘Yung iba kasi, kababata pa eh, nuknukan na ng sinungaling. Hahaha!

Anyway, very fresh and promising ang trailer ng Relaks, It’s Just Pag-ibig. Catchy rin ang title nito at may curious effect para sa taong gustong manood ng pekikula kung bakit ganu’n ang title.

Kasama rin nga pala sa Relaks… ang anak ni Sen. Jinggoy Estrada na si Julian na very impressive din ang behavior sa pagsagot at pakikiharap sa press. Next time siya naman ang isusulat namin.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING