Iñigo Pascual, hindi kailangang pantayan ang kanyang Daddy Piolo Pascual

ADVERTISING

Iñigo Pascual, hindi kailangang pantayan ang kanyang Daddy Piolo Pascual

Piolo-Pascual-Inigo-PascualSOBRANG HAPPY si Iñigo Pascual sa mga panahong ito, dahil sa maganda ring pangyayari sa personal na buhay ng kanyang daddy na si Piolo Pascual. Ngayong aktibo na siyang talaga sa kanyang showbiz career, lalo niyang inaambisyon na pagsikapan pang matutunan kung ano ang mga kulang sa kanya na mayroon ang kanyang daddy bilang katangian ng isang artistang pinahahalagahan ang kanyang pangalan at showbiz career.

ADVERTISING

Proud si Iñigo sa kanyang nararanasan, na kapag mayroon siyang mga nakauusap na mga beteranong artista ay pinapayuhan siya, na maging katulad ng kanyang Daddy Piolo na bukod sa napakahusay na actor ay hindi pinagbago ng kasikatan. Hindi naman daw niya kailangang pantayan o gayahin ang kanyang daddy. Ang gusto lang muna sa ngayon ng young actor ay mapasaya niya ang kanyang daddy sa mga puwede na niyang patunayan ngayon sa showbiz dahil nagsisimula pa lang siya.

Kung mayroon ding dahilan si Iñigo ng kanyang pagsasaya para sa kanyang daddy ay ang huling kaganapan, na naging okey na ulit ang kanyang daddy at si KC Concepcion, na nagkaroon ng ilang taong intriga mula sa kanilang paghihiwalay noon. Nakita rin ni Iñigo kung gaano kasaya ang daddy niya ngayong maging ang Megastar na si Sharon Cuneta ay nakabati na rin ng ex-boyfriend ni KC.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING