Iñigo Pascaul, posibleng ma-in love kay Julia Barretto

ADVERTISING

Iñigo Pascaul, posibleng ma-in love kay Julia Barretto

Julia-Barretto-Inigo-PascualSTRAIGHT TO point sinagot ni Julia Barretto kung may something sila ni Iñigo Pascual na kapareha niya sa romantic movie na Para Sa Hopeless Romantic ng Star Cinema sa direksyon ni AndOy Ranay.

ADVERTISING

“We’re good friends, close kami ni Iñigo hanggang du’n lang ‘yun. Nakilala ko siya sa Star Magic kasama niya si Piolo Pascual. From there, continuous na ang communication namin kahit nasa States siya. Madalas kaming nagtatawagan, kuwentuhan, ‘yun,” say ni Julia.

Inamin ni Iñigo na siya ang madalas tumawag kay Julia. Purely friendship lang ‘yung pagiging close nila ng dalaga. Huwag daw bigyan ng malisya ‘yung pagiging malapit nila sa isa’t isa. May chance kayang ma-develop into something beautiful ang friendship mayroon sila ngayon ni Julia.

Natawa si Iñigo, sagot niya,”Anything is possible, hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari in the future. She’s beautiful and intelligent woman. I think, every guy will fall in love with her. Let see…” simpleng sagot ng young actor.

ADVERTISING

Para kina Julia at Iñigo, priority nila ngayon ang kanilang showbiz career. Hindi muna nila binibigyang halaga ang kanilang personal life. Gusto muna nilang mag-concentrate sa trabaho, ‘yun ang pangako nila sa kanilang parents kaya sila pinayagang mag-artista.

Happy si Julia katrabaho si Iñigo dahil relax na siya sa binata. Hindi na naiilang ang dalaga tuwing may kilig scene sila ng young actor. Naibibigay nila pareho ang gustong mangyari ni Direk Andoy sa bawat eksenang kukunan.

“Tulad nina James (Reid) and Nadine (Lustre), ibinibigay nila ang best nila para kiligin ang kanilang mga fans. Iba ang pakiramdam kapag mga bagets ang dini-direk mo, kailangan mong mag-adjust, maging bagets paminsan- minsan, you feel young,” masayang tsika ni Direk Andoy.

Ano ang reaction nina Julia at Iñigo na support lang sila sa pelikula nina James at Nadine? “I don’t mind, there’s no small role as long as you give your best as an actor. It’s a team effort, lahat kami nagtutulungan para mapaganda ang pelikula at magustuhan ng manonood. ‘Yun ang importante para sa aming lahat, i-enjoy nila ang movie namin,” pahayag ni Julia.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING