Inggit daw kay Kim Chiu
Cristine Reyes, nagpaayos ng ilong?!

ADVERTISING

<i>Inggit daw kay Kim Chiu</i><br> Cristine Reyes, nagpaayos ng ilong?!

<i>Inggit daw kay Kim Chiu</i><br> Cristine Reyes, nagpaayos ng ilong?!IBINULGAR NI Ara Mina na kaya raw nagpagawa ng ilong si Cristine Reyes ay dahil inggit na inggit ito sa ilong ni Kim Chiu.  “Tama ba namang mainggit ka sa iyong kapwa kung maayos ang takbo ng utak mo?” Balik na tanong sa amin ni Ara nang makausap namin ito nang personal.

Sabi ni Ara, bata pa raw ay sakit na ng ulo ni Cristine ng kanilang pamilya pero mas lumala ngayon. “Feeling ko nga talaga, hindi na normal ang takbo ng utak niya. Imagine feeling niya yata, siya na ang bumubuhay sa amin. Kung mura-murahin kaming lahat dito ay talagang nakakakilabot,” sundot pa ni Ara.

Panahon na raw para kastiguhin si Cristine dahil napakahaba na ng sungay nito. “Sobra na pati sarili niyang ina kung mura-murahin parang hayop na walang isip at damdamin. Kung titingnan mo, ang amo-amo ng mukha niya, pero deep inside, sobrang sama ng ugali niya. Dapat hindi ako magsasalita nang ganito dahil magkapatid kami. Pero kung alam lang niya kung ano ang kanyang mga pinaggagagawa ay masasabi n’yong tama lang ang aking ginagawa.”

Sa pagtatapos ni Ara, mariin niyang sinabi na dapat ay kastiguhin si Cristine dahil sa masama nitong ugali. Pero paano raw makakastigo ang nakababatang kapatid gayong ang kanilang ina ay harang nang harang sa tuwing magtatangka siyang bigyang-aral ang nakababatang kapatid. “Bata pa lang iyan, madalas nang napapatawag sa guidance si Mommy dahil nu’n pa lang, hindi na normal ang takbo ng utak ng taong ‘yan. Mas lumala lang ngayon na ang feeling niya ay sikat na sikat na siya,” pagwawakas ni Ara sa Pinoy Parazzi.

ADVERTISING

 

DAHIL SA dami ng mga nagawa sa Batangas, tiyak na hindi na magiging mahirap ngayon para kay Governor  Vilma Santos na mangampanya kahit sabihin pang may kalaban siya sa nasabing posisyon.

Kampante ang kampo ng nag-iisang Star For All Seasons dahil nagawa ng aktres ang mga tungkuling dapat gampanan.

Gayon pa man, hindi pa rin lubos na kontento si Ate Vi dahil marami pa rin siyang dapat tapusin sa mga sinimulang proyekto. “Siyempre first priority ko pa rin ang pagiging ina ng aking pamilya at second itong maging ina ng lalawigan ng Batangas, at alam naman ng ating mga kaibigan sa showbiz na nasa kanila ang aking puso at isipan dahil kung wala sila ay wala ako ngayon sa aking kinalalagyan.”

Sa pananaw ni Ate Vi, sa isa pang termino na ipagkakaloob sa kanya ay malaking bagay iyon para lubusang mapanatag ang kanyang kalooban na ang pinakamamahal niyang Batangas ay nasa mabuting kalagayan. “Mahirap, Morly, ang kalagayan namin. Pero may kasiyahang nararamdaman dahil alam naming marami kaming natutulungan na kababayan.”

<i>Inggit daw kay Kim Chiu</i><br> Cristine Reyes, nagpaayos ng ilong?!

Malaki ang panghihinayang ni Ate Vi dahil niya magagawa ang isang proyektong dapat sana ay gagawin niya sa Channel 2. “Nagpapasalamat naman ako at naiintindihan ako ng Star Cinema, na bago ako gumawa ng projects sa kanila, dapat unahin ko muna ang pagiging ina ko rito sa Batangas.” Pagwawakas ni Ate Vi sa masaya naming kuwentuhan.

 

NAGULAT AKO sa aking natuklasan nang sinimulan kong hanapin si Rosanna Roces matapos na ito ay masangkot sa isyung hindi pagbabayad sa taxi driver. “Matagal din si Rosanna diyan. Mga ilang linggo din siyang nakatira diyan,” sabi sa amin iyon ng isang babaeng may katandaan nang kami ay magsadya sa bahay ng kanyang alalay.

May kalumaan ang bahay. Ang paligid ay kinatitirikan ng mga luma at bulok na yero. “Nakikita namin siya diyan at nagulat kami dahil bakit siya titira diyan,eh, mayaman siya, ‘di ba?” Balik na tanong sa amin ng aming kausap na nakatingala sa langit. Bakit nga ba?

Bago pa namin marating ang bahay na iyon sa may Bago Bantay, QuezonCity, una naming nakausap ang guwardiya sa dati nitong tinitirhan sa Commonwealth. “Matagal na po siyang wala diyan. Iba na ang may-ari ng kanilang bahay. Sorry po, wala na si Mam Rosanna diyan,” sabi sa amin iyon ng isang guwardiya.

At ayon sa guwardiya, hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit nawala si Osang sa bahay nito, pero base raw sa nakarating sa kanyang balita ay parang nailit daw ang nasabing bonggang bahay na matagal ding tinirhan ni Osang noong mga panahong abalang-abala pa siya sa showbiz.

Mula sa isang kati-katerang manunulat. Sinabi nito na nailit nga raw ng bankong pinagsanlaan ang bahay ni Osang. “‘Yun ang pagkakaalam ko,” sabi sa amin ng isang lady reporter.

Totoo nakakapanghinayang. Si Rosanna Roces ay mahusay na aktres, mabuting tao at marunong makisama sa kanyang kapwa. Pero dahil sa “bisyo”, ang maganda niyang buhay ay unti-unting nasadlak pababa. “Moral lesson dito, mahalin natin ang ating trabaho at huwag tayong papasok o kahit susubok lang na mag-drugs,” pagwawakas ng aming kausap.

Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING