Ingat na ingat sa pagkababae
Rachelle Ann Go, nagkabukol sa lalamunan dahil sa nota!

ADVERTISING

<i>Ingat na ingat sa pagkababae</i><br> Rachelle Ann Go, nagkabukol sa lalamunan dahil sa nota!

<i>Ingat na ingat sa pagkababae</i><br> Rachelle Ann Go, nagkabukol sa lalamunan dahil sa nota!IBINULGAR NI Rachelle Ann Go na kaya raw ‘di nagtatagal ang kanyang relasyon ay dahil sa iniingatan niyang pagkababae. In short, virgin pa rin siya hanggang ngayon kahit na naka-tatlong boyfriend na siya.

Pero wala naman daw siyang pinagsisisihan sa mga naging relasyon na laging nauuwi sa hiwalayan. Basta ang importante raw sa kanya, maging malinis hanggang sa iharap siya sa altar ng mapapangasawa.

Ngayon, may panibago na naman siyang hinaharap na problema. Hindi sugat sa puso kundi sa bukol na tumubo sa kanyang lalamunan.

Nag-alala nga raw ang doctor ni Rachelle sa katatapos na concert ng singer dahil sa kundisyon ng kanyang vocal chords. Matagal na raw sakit ni Rachelle ang bukol sa lalamunan.

ADVERTISING

Sabi, dulot daw ito ng stress at puyat kaya nagkaroon ng bukol ang lalamunan ni Rachelle. Minsan daw ay nati-trigger ito kapag inaabuso niya ang pagkanta ng matataas na nota.

Patuloy ang pag-inom ni Rachelle ng gamot at iniiwasan niya na ma-stress at mapuyat  nang todo. Hindi pa naman daw nire-require ng doctor niyang operahan na ang lalamunan. Pero bilin na pagkaingatang mabuti para ‘di lalong lumala ang bukol sa lalamunan.

Sa katatapos niyang concert, inamin ni Rachelle na hindi kumita ang isang gabi niyang concert kaya gusto niya itong masundan kahit na malaking factor ng sakit niya ang pagpo-produce ng sariling concert para kumita naman daw siya.

Nagpasalamat si Rachelle sa mga kaibigan niya na sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo at ex-boyfriend na si Christian Bautista na lumabas nang libre sa concert niya.

 

PINAGNANASAAN PALA ni Alden Richards ang kissable lips ni Anne Curtis. Hindi nga naitago ni Alden na gandang-ganda siya sa actress. Kung nagkataon na magkasama sila sa iisang TV network, ‘di raw siya mangingiming mag-request na magsama sila sa isang project.

Pero malabo na magsama sila sa teleserye pero posibleng magsama sila sa isang pelikula kung magsasanib sa pagpo-produce ang Viva Films at GMA Films.

Sabi ni Alden, ang katangian daw ni Anne ang hinahanap niya sa isang babae. Pero hanggang paghanga lang ang puwedeng gawin ni Alden dahil pinagbawalan daw ang actor ng Kapuso Network na na magkaroon ng girlfriend.

Sa dami ng blessing at accomplishment ni Alden sa tulong ng GMA 7, kaya wala raw siyang gagawin kundi sundin ang pinag-uutos ng network.

Wala na raw siyang mahihiling pa sa ginagawang pangangalaga sa kanya ng Kapuso Network, kaya sobrang pasasalamat at magiging loyal sa home studio.

Samantalang hindi inaasahan ni Alden na magiging recording artist siya dahil ‘di naman daw maganda ang boses niya. Kaya naman para ‘di mapahiya sa Universal Record na siyang nag-produce ng album niya, nag-aaral siya ng voice lesson para ‘di naman mapahiya sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.

 

SA PAG-GUEST ni Paolo Contis sa talk show ng GMA 7 last Saturday, sinagot na rin finally nito ang mga paratang sa kanyang ng estranged wife na si Lian Paz na kesyo diumano ay may third party involved sa hiwalayan, na magulong mag-handle ng finances ang actor, magastos, hindi nagbibigay ng pera,hindi nagbibigay ng sustento sa mga bata, at iba pang akusasyon.

Wala raw third party sa hiwalayan nila. Pangalawa, inamin niya na may kinakaharap siyang financial problem, pero aniya, hindi naman daw ito ang sukatan ng pagkatao niya.

Tinawag din niyang mangmang ang mga taong nagsulsol daw kay Lian tungkol sa diumano sa pagiging maluho niya nang magpunta ng Amerika.

Itinanggi rin ni Paolo ang paratang na hindi siya nagbibigay ng sustento sa mga anak. Pero aminado siya na minsan ay nade-delay lang daw dahil may mga binabayaran pa raw siya.

Sabi pa niya na sana raw ay magpag-usapan na lang nila ni Lian ang problema at huwag nang daanin pa sa telebisyon.

Mensahe niya kay Lian: “Hope we can talk soon for the kids. Ayoko ng away, ng gulo. Hindi ko naman style na mag-away sa telebisyon. Sana maayos natin in private.”

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING