Inday Garutay, pinilit daw makipag-sex ang isang modelo

ADVERTISING

Inday Garutay, pinilit daw makipag-sex ang isang modelo

Inday-GarutayAS PROMISED, here’s the side of Alexander King who earlier accused Inday Garutay of qualified theft and estafa, bagay that the gay comedian vehemently denied.

According to Alexander, totoong 2013 noong magkakilala sila ni Inday, “Birthday ng kapit-bahay namin, pumunta siya nu’ng araw na ‘yon,” in stark contrast to the latter’s version they met and drank at a bar.

“Tapos, nu’ng medyo lasing na siya,” Alexander continued, “Nagpahatid po siya sa hotel. Pagdating po sa hotel, ni-lock niya ‘yung pinto. Naghubad na po siya. Pinipilit niyang makipag-sex sa akin. Ayoko po talaga. Sumigaw siya ng, ‘Magnanakaw!’”

Hindi raw tumangay ng anumang gamit si Alexander. He swore, “Alam po ng guwadiya ‘yan. Nu’ng tinanong siya ng guard kung ano’ng nawawala sa kanya, sabi niya, charger lang.”

ADVERTISING

Kung tutuusin, siya pa raw itong nawalan ng pitaka na isinilid umano ni Inday sa kanyang bag, unreturned to this day. Inside his wallet was his personal money na nadamay na rin sa binawing pera ni Inday for a one-night stand na hindi naman daw naganap.

Tulad ni Inday na nagbigay na ng babala sa mga bakla na kilatisin muna ang mga lalaking natataypan at niyayaya para makipagtalik, may panawagan din si Alexander, “Mensahe ko sa ibang model, mag-ingat din po kayo. Masyado pong pangit ang ugali niya.”

Pero may kambyo ang modelo, willing daw siyang makipag-usap kay Inday Garutay.

 

LAST TEENAGE year na ito ng Startalk as it marks its 19th anniversary with its Part One to air this Saturday, November 8; at ang Part Two, sa susunod na Sabado.

Abangan ang exclusive sit-down interview ni Ricky Lo sa mga anak ng the late Fernando Poe Jr., sina Senator Grace Poe-Llamanzares at Lovi Poe. A rare face-off, no other showbiz-oriented talk show can probably mount a dream segment like this again.

Startalk pioneer Lolit Solis grills Ai-Ai de las Alas in her segment So-List, kung saan may limang pangalan ng mga taong malapit sa kanyang puso—noon at ngayon—ang bibigyan niya ng kanyang spontaneous yet funny comments.

Makaraan naman ng sampung taong pagkawala sa GMA, muling nagbabalik bilang Kapuso si Iya Villania. Abangan ang mainit na welcome sa TV host-actress with her husband Drew Arellano.

Huwag ding palampasin ang bagong ilulunsad na segment na The Adventures of Karina Karay-Karay, kung saan current political stuff is given a flavorful twist injected with wit and humor by segment host Vaness del Moral.

 

DAHIL NAGLILIHI ang buntis na si Majay ay mainit ang dugo niya kay Bernie.

Panay pasaring naman ni Mama A kay Jingo, dahil sa kundisyon kasi ng anak ay hindi na raw makakapagtrabaho sa abroad.

Enter frame naman ang psychic kuno na si Hoya (Lovi Poe), customer sa bike shop nina Jingo.

Lahat ng hawakan ni Hoya ay nalalaman niya ang buhay at pagkatao. Sinabi niya na isa sa mga Ismol house ay elemento na magdudulot ng kasamaan sa bahay, referring to Mama A. Naisip tuloy ni Jingo na alang-alang sa magiging anak ay lilipat na siya sa bahay ni Bernie.

Ang hindi nila alam ay kasabwat ni Bernie si Hoya. Gusto ni Bernie na umalis si Jingo at makitira sa bahay niya. Pero nang nag-iimpake na si Jingo, inamo siya ni Mama A at napagpasyahang huwag nang umalis.

Samantala, si Yumi ay feeling writer. Sumulat siya sa notebook ng kuwento para ilagay sa Koopad. Ang pamagat:I Love Z! Dead sa ‘Yo!

Ilan lang ito sa mga riotous scenes sa Ismol Family ngayong Linggo, 6:45 ng gabi.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING