Inday Garutay, kinasuhan ang lalaking dating na-booking

ADVERTISING

Inday Garutay, kinasuhan ang lalaking dating na-booking

Inday-GarutayWALANG KAGATUL-GATOL na inilarawan ni Inday Garutay ang isang nagngangalang Alexander King na nakilala niya, nakainuman at umano’y nanarantado sa kanya noong December 2013.

Introduced by a common friend, ayon sa komedyante ay suki sa mga bikini open ang lalakeng ‘yon, bukod sa pagiging isang escort service. Sa lengguwahe ng mga indibidwal engaged in this trade, pa-booking ang Alexander na ‘yon.

Sa kanyang post sa FB dated October 26 that he erased himself, inakusahan niyang magnanakaw at estafador ang ngayo’y wanted daw na komedyante. Hinala rin daw nu’ng Alexander, si Inday ang nagkakalat ng kanyang mga malalaswang larawan sa social media.

Simple lang ang argumento ni Inday, taong 2013 pa nga naman daw naganap ang kanilang chance meeting.

ADVERTISING

Nagkasundo raw sila sa isang one-night stand, pero pagdating sa hotel ay biglang umatras ang lalaki. Sa halip, napagtripan daw nito ang tablet ni Inday na patakbo nitong initakas kahit naharang na ng guwardiya.

In other words, Alexander allegedly took something he did not own, kaya ano ‘yung pinalalabas nitong si Inday pa ang magnanakaw?

Kesyo sa FB post pa ng lalaki ay wanted ang komedyante, pero paanong at large siya gayong nakatira pa rin daw siya sa San Juan, kung saan puwede siyang ipagtanung-tanong?

Dahil dito, apektado na raw ang pamilya ni Inday, kaya kung ipinagmamalaki raw ng Alexander na ‘yon na meron siyang tiyuhing pulis, Inday would rather resort to legal means. Nitong Lunes daw nakatakdang magsampa si Inday ng kaso sa NBI.

Masidhi ang panawagan ni Inday Garutay sa mga bakla, beware of Alexander King (although kung tutuusin, masuwerte pa ang hitad, ha? He went inside the motel in one piece, lumabas din siya in one piece at buhay!).

Abangan sa kolum namin sa Biyernes ang panig ni Alexander.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING