Inang si Karla Estrada, umalma
Daniel Padilla, ‘di raw lasenggo!

ADVERTISING

<i>Inang si Karla Estrada, umalma</i><br>Daniel Padilla, ‘di raw lasenggo!

<i>Inang si Karla Estrada, umalma</i><br>Daniel Padilla, ‘di raw lasenggo!UMALMA ANG mother ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa isyung binabato sa anak na naglalasing dahil daw umano sa masama ang loob ng sikat na teen idol sa ina.

Walang katotohanan daw ang paratang sa anak niya at hindi raw ito lasenggo. Kilala niya ang anak na hindi magagawang maglasing kahit na magkaroon ito ng problema.

Pakiramdam ni Karla,habang sumisikat daw ang anak, mas dumarami ang naninira sa teen idol. Hindi naman daw nila maiiwasan na i-please ang lahat ng mga tao, lalo na raw roon sa mga naiinggit.

Samantala, ikinaila ni Karla ang balitang may love affair sila ng sikat na basketball player na si Marc Caguioa. Hindi pa raw niya nami-meet nang personal ang sikat na PBA player, kaya hiyang-hiya raw siya sa hardcourt hero na nadadamay sa maling tsismis.

ADVERTISING

Dahil sa naturang tsismis, natakot daw tuloy si Daniel at mga kapatid sa rumored new romance ng kanilang pinakakamahal na ina. Nangangamba kasi ang magkakapatid na baka masaktan muli ang kanilang ina, tulad nang nangyari sa nakaraang affair nito.

Pero ang Karla, pilit na lang dinededma ang wala raw kuwentang intriga.

<i>Inang si Karla Estrada, umalma</i><br>Daniel Padilla, ‘di raw lasenggo!

IBINASE NI Kris Aquino ang sagot niya sa sagot ni Kim Chiu, sa tanong kung may pag-asa ba sila ni James Yap na magkasundo alang-alang sa kanilang anak na si Bimby?

“I’ll take my cue from what Kim said, “Hindi dapat pinipilit, kusang  mangyayari. Tinanong ko si Kim about  that, at ‘yun ang sinabi niya. Sabi ko, ‘Uy, may wisdom ka na.’ Bongga!

“So, ‘yun din. Hindi ‘yun pinipilit, kusang mangyayari, pero it comes from both. Sincerity is not a one way street,” katuwiran ni Kris.

So, hindi na kataka-taka na balang araw ay maayos din ang gusot nina Kris at James alang-alang sa kanilang nag-iisang anak na si Bimby.

Ang tanong, maging madali naman kaya ang pagbabati ng dalawa? May nakarating kasi sa amin na tutol si James na pag-artistahin ni Kris ang anak nilang si Bimby.

‘Di ba isinama ni Kristeta si Bimby sa pelilkulang pagsasamahan nila ni Vic Sotto na isa sa walong pelikulang napasama sa Metro Manila Film Festival?

Samantalang hindi na raw lilisanin ni Kris ang kanyang Kris TV sa ABS-CBN, dahil isinaalang-alang daw ng actress ang kalagayan ng production staff ng show na mawawalan ng trabaho kapag tuluyan na niyang lilisanin ang show.

Tutal pinayagan naman siya ng management na mag-take ng leave of absence na naging okey naman sa kanya, dahil tiyempong nakatakda siyang lumipat ng tirahan sa bandang South na siyang gusto ng anak niyang si Joshua na tumira sa isang village.

 

SANA MALAMAN at magising hanggang maaga ang mga artista na laging nagsasabi na gusto raw nila munang magpahinga at makapag-relaks.

Dapat nga samantalahin nila ang masuwerteng ibinigay sa kanila ng tadhana. Marami riyan ang walang hanapbuhay at naghihirap.

Kayo na may trabaho na umarte lang sa harap ng camera at binabayaran ng milyon ay nagsasabing gustong magpahinga at makapag-relaks.

Sana hindi dumating ang araw na matupad ang wish ninyo na magpahinga. Dahil may kakilala kaming isang sikat na sikat na artista pero nag-wish na gusto naman niyang magpahinga.

Ayun, wish granted at tumagal nang tumagal ang kanyang pahinga hanggang nakipag-usap siya sa kanyang manager na ihanap na siya ng project.

Nagbilang ng taon, bago siya nabigyan ng project. At ang nakakagulat ay hindi na lead role ang character na naibigay sa kanya.

Puwede namang magpahinga at magrelaks kahit na magkasunod-sunod na project ang gagawin dahil puwede namang pag-uwi ng bahay ay matulog at magpahinga, ‘di ba?

 Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING