Inaming ‘nakipagdate’ sa kapatid ni John Prats
Sam Milby, ‘di raw sila talo ni Camille Prats!

ADVERTISING

<b>Inaming ‘nakipagdate’ sa kapatid ni John Prats</b><br> Sam Milby, ‘di raw sila talo ni Camille Prats!

<b>Inaming ‘nakipagdate’ sa kapatid ni John Prats</b><br> Sam Milby, ‘di raw sila talo ni Camille Prats!
‘DI NAMAN
ipinagkaila sa amin ni Sam Milby na totoong kumain sila sa isang Vietnamese restaurant ni Camille Prats sa The Fort. Pero agad na klinaro sa amin ng aktor na ‘di totoong may espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila.  Ikinuwento sa amin ni Sam na treat niya iyon kay Camille dahil ‘di siya nakapunta sa birthday celebration ni Camille kamakailan at bilang pambawi ay kumain sila sa labas na madalas naman nilang ginagawa ng aktres at ng kapatid nito na si John Prats. Kaibigang matalik niya si John, kung saan kapatid na rin ang turing kay Camille, at madalas na rin silang lumalabas dati pa. Pero ngayon lang ito nabalita at nabigyang-kulay.

Ayon kay Sam, ‘di sila talo ng aktres kung saan close din siya sa pamilya Prats, sa ngayon ay zero ang lovelife ng aktor, kung saan dumistansiya na rin talaga ito sa model/teacher na nakilala sa New York dahil nga mayroon na itong isang taong karelasyon at ayaw niyang makasira ng isang pagsasama.

Tuloy na tuloy na ang seryeng pagsasamahan nila nina Judy Ann Santos at KC Concepcion, kung saan naging kontrobersiyal ito dahil sa pag-ayaw dati ni Tito Alfie Lorenzo na makapareha siya ng alaga. Labis na pinagpapasalamat ni Sam ang balitang nakarating sa kanya na pinaglaban siya ng aktres sa manager nito, kaya tuloy ang kanilang pagtatambal.

Sa ngayon, may ilang revisions lang na ginagawa sa script pero nakapag-story con na ang buong casts. ‘Di naman maitago sa amin ni Sam ang excitement na makatrabaho ang young superstar dahil naniniwala siya na marami siyang matutuhan mula kay Judy Ann ‘pag nagkatrabaho na silang dalawa.

ADVERTISING

 

SA ISYUNG laging pinupukol na babaero, matitinik sa chicks at playboy ang mga Padilla, medyo ‘di na rin nagugustuhan ni Daniel Padilla ang paulit-ulit na pagtatanong sa kanya tungkol dito.

Sa nakaraang MTV shoot ng isa sa single niya sa album na Hinahanap-hanap Kita, ang Prinsesa, na unang pinasikat ng bandang Teeth, ipinaliwanag sa amin ng young actor na hindi siya matinik sa chicks. Tinanong niya kami kundi pa raw ba tapos ang isyu na matinik sila sa chicks, samantalang tapos na ang ganitong ugali ng mga Padilla at loyal na silang lahat ngayon.

Inamin ni Robin Padilla sa nakaraang interview sa kanya na ang pagiging mainitin ng ulo ang isa sa ugaling gusto niyang baguhin. Nang tanungin namin kung mainit din ba ang kanyang ulo na isa rin daw sa ugali ng Padilla, inamin naman agad sa amin ni Daniel na mainitin din ang kanyang ulo.

Ayon kay Daniel, maaaring nakuha niya ito sa mga Padilla o sa inang si Karla Estrada. Pero ‘pag nandiyan na si Kathryn at nagtatanong kung bakit mainit ang ulo niya o may problema, agad na nangingiti siya.

Hiningan din namin ng reaksyon sa balita na hindi raw talaga sila magkakasundo nina Enrique Gil at Khalil Ramos at naapektuhan na raw talaga sila sa kumpetisyon na nilagay sa kanila ng mga tao, binigyang-linaw agad sa amin ni Daniel na close siya sa dalawa at walang katotohanan ang mga lumabas na balita na magkakaaway silang tatlo. Naghamon din na puntahan sila sa set ng Princess and I at doon makikita na maayos ang samahan nilang tatlo, kung saan

lahat sila ay magkaka-tropa.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING