Inah de Belen, ayaw nang gamitin ang apelyido ng ama sa paglipat sa Kapuso Network

ADVERTISING

Inah de Belen, ayaw nang gamitin ang apelyido ng ama sa paglipat sa Kapuso Network

Inah De Belen
Inah De Belen

Mayroong addition sa kuwadra ng kaibigang Popoy Caritavo para sa kanyang Luminary Talent Management. Ang anak nina Janice de Belen at John Estrada na si Inah de Belen ay isa nang official talent ng kanyang kompanya at ng GMA.

ADVERTISING

Yes,ang anak nina Janice at John ay seryoso nang pasukin ang showbiz with a new screen name  at makikilala siya as Inah de Belen.

Dating Inah Estrada ang showbiz name ng dalaga nu’ng nagsisimula siya sa kampo ng Kapamilya Network at mina-manage ng Star Magic.

Pero sa tagal ng panahon ng paghihintay ng dalaga, walang nangyari kaya inilapit ni Janice sa manager niyang si Popoy ang anak para i-manage at ngayon ay co-manage na si Inah ni Popoy at ng GMA.

ADVERTISING

Sa katunayan, first big exposure ng dalaga ang teleseryeng “Oh My Mama,” kung saan sa posting ng kaibigang Gladys Reyes (na kabilang din sa cast) ay kasama si Inah sa mga artista ng bagong serye.

Kung tama ang basa ko sa photo na nakita ko sa Facebook ng manager niyang si Popoy, mukhang magka-love triangle sina Jeric Gonzales at Jake Vargas over Inah sa afternoon serye.

Sa paglipat ng dalaga from Kapamilya at ngayon ay isa na siyang Kapuso talent, may intrigang nabubuo kung bakit nagpalit ito ng pangalan.

From Inah Estrada ay isa nang Inah de Belen ito.

May isyu ba sa pagpapalit ng name ng dalaga?

Para sa ama niyang si John ay wala itong problema. “Ok lang. Management decision. Gusto ng GMA na sa paglipat ni Inah sa GMA, new name. New image,” paliwanag ng actor sa isang panayam sa kanya kamakailan.

Sa mga nang-iintriga, at least everything is now cleared.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING