Ina Raymundo, walang pagsisisi sa pagpapaseksi noon

Ina Raymundo, walang pagsisisi sa pagpapaseksi noon

Ina-RaymundoBAGAMA’T NAGPASEKSI noon si Ina Raymundo sa ilang mga pelikula sa FLT Films, wala raw siya kahit anong regret sa kanyang ginawa.

“Alam naman ng asawa ko ‘yung mga ginawa kong pelikula dati. Alam rin ng panganay ko, eh. Pero wala akong regret. Hindi na, kasi feeling ko naman… ang importante talaga ngayon, eh, ‘yung present. It’s so easy to say may regrets but if you really, really think about it, what’s the point?

“Ang important is ‘yung ngayon na, di ba? I’m happily married, and I have five kids na healthy and beautiful kids, tapos 12 years na kaming married and 15 years na kami ng asawa ko, kaya what’s the point of looking back? Mai-stress ka lang, ‘di ba?” katwiran pa niya.

Sa mga anak niya, wala raw siyang napapansin na susunod sa yapak niya bilang artista.

“As of now, wala talaga. ‘Yung panganay ko siguro, pero parang hindi rin, eh. Mahiyain kasi ang mga anak ko. Hindi ‘ata nagmana sa akin. Hahaha!” biro pa ni Ina.

Kasama si Ina sa cast ng Halik Sa Hangin nina Gerald Anderson, JC de Vera at Julia Montes na palabas na ngayon sa mga sinehan under the direction of Manny Palo.

La Boka
by Leo Bukas