Ina Raymundo, kailangang laging hot para ‘di ipagpalit ng mister na foreigner

ADVERTISING

Ina Raymundo, kailangang laging hot para 'di ipagpalit ng mister na foreigner

Ina Raymundo, kailangang laging hot para 'di ipagpalit ng mister na foreignerKaaliw kausap si Ina Raymundo dahil wala itong itinatago. Basta gusto niyang sabihin, walang makapipigil.

Mantakin ninyo pati pakikipag-sex sa foreign husband ay itsinika nito sa ilang press. Pero huwag mag-isip nang masama dahil kailangan niyang gawin para maitaboy sa kuwarto nila ang kanilang limang anak.

Natatawang naitsika ni Ina na minsan daw ay ayaw lumabas ng kanilang kuwarto ang limang anak nila kahit na antok na antok na sila ng mister.

Sa room daw kasi nila parating nanonood ng TV ang limang anak. Wala na raw tuloy silang privacy ng husband na si Brian dahil sa mga anak.

ADVERTISING

Lagi raw nasa kuwarto nila ang limang anak kahit gusto na nilang matulog at ayaw pa rin magsipunta sa kani-kaniyang kuwarto. Naisip tuloy ni Ina panakot sa mga anak na magse-sex sila ng asawa.

“Kapag sinabihan ko sila na, “Go to your room because we want to sleep at hindi pa sila umaalis, sasabihin ko, “Okey then we’ll have to make love infront of you!”

“Doon na sila tatayo at magsisigawan sila. Sasabihin nila, “Ewww mommy that’s gross!” Eh, ‘di napaalis ko silang lima! Hahaha!” natatawang pahayag ni Ina.

Hindi itinago ni Ina na kahit lima na ang anak nila ay aktibo pa rin ang lambingan nila ng mister.

Hindi raw dapat nagkakalamigan ang mag-asawa pagdating sa sex.

Kapag nawalan na raw ng gana ang isa’t isa ay nangangahulugan lang na may iba na raw kinababaliwan ang kapartner.

“Kaya dapat super hot pa rin kami para hindi siya makaisip na kumuha ng ibang babae.

“Hindi ako papayag na may mang-agaw sa mister ko. Makikipagpatayan ako, ‘no! Akin lang siya! Hahaha!” nakatawang say pa ni Ina Raymundo.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING