Ina Raymundo, handa pa ring maghubad kahit 5 na ang anak

Ina-RaymundoKAHIT LIMA na ang anak ni Ina Raymundo ay parang dalaga pa rin ang katawan na siyang kinabaliwan sa kanya ng mga barako noong nagsimula siya as a sexy star sa showbiz.

Ngayon ay pinaghahandaan naman niya ang mga sexy pictorial para maging cover girl sa isang men’s magazine.

Super proud nga si Ina dahil kahit na sangkatutak ang mga nagse-seksihang baguhang artista ngayon, siya pa ang napili ng isang men’s magazine na maging cover girl.

Tanong tuloy kay Ina, ano raw ba ang sikreto niya at hindi nagbago ang porma ng katawan, gayong lima na ang kanyang naging anak? Hindi naging maramot si Ina, kaagad na sinabi na nag-e-enjoy raw siya kapag buntis dahil ang gaganda raw ng nagiging anak niya sa Canadian-Ukranian husband na si Brian Puturnak.

“Ewan ko, iba-iba kaming mga babae. May mga nahihirapang magbuntis at mayroong nadadalian tulad ko. Isa pa, nasanay na akong mag-alaga ng bata. Happy ako being a mother,” nakangiting say Ina nang makatsikahan namin sa presscon ng Marimar.

Ayon pa sa actress na mas nakilalang Sabado Night Girl noong 90’s, last baby na raw niya ang pang-limang anak nila ni Brian dahil gusto na niyang bumalik muli sa showbiz.

“Na-miss ko ang showbiz. Ganoon pala talaga, ‘di ba? Kung noon sinabi ko na happy na ako with my family, hindi ko na kailangan mag-artista pa, darating din pala ang time na gusto mong bumalik. Lalo kapag napanonood mo ‘yung mga nakasabayan mo na aktibo pa rin at may mga teleserye.

“Ako naman kasi, pabalik-balik naman ako. Pero every time mabuntis ako, tigil na naman ako nang matagal. This time, sabi ko na last na itong bunso. Gusto ko namang mag-work na. Pero promise ko naman kay Brian na hindi ko sila pababayaan.”

Inamin din ni Ina na sa loob ng 12 years nilang pagsasama ay hindi naiiwasan na magkaroon sila ng tampuhan.

“Hindi naman kami perfect na mag-asawa. May mga problema rin kami na paminsan-minsan, away mag-asawa pero naayos din naman agad. Ang husband ko naman kasi ay very open-minded. When I asked his permission na mag-artista ulit ako, oo agad siya. Basta alamin ko lang daw ang priorities ko between work and family,” say pa ni Ina.

Ngayon ay pinaghahandaan na niya ang mga sexy pictorial para sa men’s magazine.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleKatrina Halili, ‘di na naghahanap ng boyfriend
Next articleAi-Ai delas Alas, pinalabas na walang utang na loob ng mga basher

No posts to display