Ina Raymundo, ‘di ma-imagine na Pinoy ang magiging asawa

Ina Raymundo, ‘di ma-imagine na Pinoy ang magiging asawa Akala ko noong una, kaya nagbabalik-showbiz si Ina Raymundo, dahil hiwalay na sila ngmister niyang Canadian-Ukranian na si Brian Potumak na isang negosyante. Ang tagal na nilang mag-asawa. Almost 12 years silang kasal na during sa kasikatan ni Ina noon, nag-decide siya na inawan ang showbiz para mahalin at pakasalan ang mister niya.

Si Ina Raymundo, isa sa mga super sexy showbiz personalities natin noon during the 90’s, na ang kaseksihan niya ay naghatag sa kanya ng kaliwa’t kanang TV commercials at endorsements at maging mga pelikula, kung saan leading lady siya ng mga sikat nating action stars. Name the male bida sa mga pelikulang aksyon, malamang si Ina naging lady nila.

Mula nang bumalik si Ina sa showbiz, left ang right na ang naging offer sa kanyang teleserye. Sa katunayan, hindi siya nababakante. From Kapamilya Network, pagkatapos ng kanyang teleserye, may nakaabang naman na project sa kanya ang Kapuso Network.

Sa katunayan simula today, Monday (March 14), kabilang siya sa bagong afternoon serye ng Kapuso Network na “The Millionaire’s Wife”, where she plays the granddaughter of Robert Arevalo na makakarelasyon naman ni Andrea Torres who plays the millionaire’s wife.

Sa haba ng pagsasama ni Ina at ng mister niyang si Brian, thankful siya na isang banyaga ang napangasawa niya lalo pa’t sa klase ng ugali ng sexy actress, aniya, “Nagko- complement ang ugali naming dalawa. Hindi kasi siya seloso.”

“With my feisty personality, hindi talaga ako puwede na ang husband ko ay mahina ang personality. I can’t imagine being married to a Filipino, kasi ‘yung personality ko strong, ‘tsaka iba,” kuwento niya during our tsikahan.

Sa new serye ni Ina, makakasama rin niya sina Mike Tan, Sid Lucero, at Jaclyn Jose.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleTeejay Marquez, hit sa Indonesia; balik-bansa para mag-shoot ng commercial
Next articleJohn Nite at mga kasama, masama ang loob sa GMA sa kawalan ng pagpapahalaga kay Kuya Germs

No posts to display